Hindi napigilang magbahagi ng kaniyang reaksyon si Senate President Pro Tempore Ping Lacson sa naging pagtugis ng bansang Japan sa fishing boat ng China nang mapadpad ito sa kanilang exclusive economic zone.
Ayon sa naging reaksyon ni Lacson sa kaniyang “X” post nitong Sabado, Pebrero 14, tila namangha siya sa naging aksyon ng Japan laban sa Chinese vessel na pumasok sa teritoryo nila.
“Wow Japan!,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa “X” post ni Lacson.
Ani Lacson, hindi na raw sana magiging “push-over country” ang Pilipinas kung magagawa lang nitong tuligsain ang korapsyon at maging ganap na isang “economic power.”
“If only the Philippines can eradicate corruption, so we may become an economic power, then we can upgrade our military capability - ergo, we are no longer a push-over country,” diin niya.
“Sana…” pagtatapos pa niya.
Sa naturang post kasi, ibinahagi ni Lacson ang naging pagtugis ng Japan sa isang fishing boat o Chinese vessel matapos nitong hindi makipagkooperasyon sa kanila.
Natagpuan umano ng mga awtoridad ng Japan ang nasabing Chinese vessel SA exclusive economic zone nila sa may 89.4 nautical miles (166 kilometers) ng Meshima island sa Goto archipelago.
Samantala, hindi pa naman umano naglalabas ng tugon, reaksyon, o pahayag ang China sa nangyaring insidente.
MAKI-BALITA: Lacson pinayuhan sina Carpio, Batongbacal na 'wag nang patulan 'pointless debate' ni Marcoleta
MAKI-BALITA: Merong pinaghihinalaan? Sen. Marcoleta, dumepensa sa 'homegrown traitors' statement ni Sen. Lacson!
Mc Vincent Mirabuna/Balita