Naglahad ng kaniyang reaksyon si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima sa pagkakadawit ng International Criminal Court (ICC) sa pangalan nina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at iba pa.
Ayon sa naging pahayag ni De Lima sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 14, 2026, sinabi niyang pinaliit na raw ng ICC ang mundo nina Dela Rosa, Go, at iba pa sa umano’y pagsasabi nitong co-perpetrator sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs noon.
“In laying down the charges against Duterte, the ICC Prosecutor also just made the world smaller for his co-perpetrators by naming them,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni De Lima.
Dagdag pa niya, “They include Bato dela Rosa, Bong Go, Vitaliano Aguirre II, and several PNP officials.”
Ani De Lima, hindi raw nakinig sina Dela Rosa, Go, at iba pa kagaya ni Duterte na matagal na nilang pinaalalahanan at mayayabang pa umano ang mga nabanggit.
“Time and again, we warned [these] people, even from prison, that this day will come. Like Duterte, they did not listen. Mayayabang pa sila,” diin niya.
Pagpapatuloy ni De Lima, marami na raw ang magsisimulang magtago at sasama kay Dela Rosa sa mga nabanggit ng ICC ngunit idiniin niyang laging hustisya raw ang palaging mananaig.
“Many of them will now go into hiding, joining Bato on the lam. No matter, Justice will always catch up with them. Justice will be served,” saad niya.
“Panahon na ng pagpapanagot sa pagpatay sa mga kapwa Pilipino! Oras na ng pagbabayad sa mga krimen laban sa sangkatauhan!” mariin pang pagtatapos ni De Lima.
KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, 'criminally responsible' sa 78 biktima ng war on drugs mula 2013-2018!—ICC
Mc Vincent Mirabuna/Balita