Mariing umalma si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa umano’y alegasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kaniya na “co-perpetrator” siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs.
Ayon sa naging pahayag ni Go na inilabas ng GMA News nitong Sabado, Pebrero 14, 2026, sinabi niyang “unfounded,” “one-sided,” at “unfair” ang nasabing alegasyon laban sa kaniya ng ICC.
KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC
“I dispute these allegations which are entirely unfounded, one-sided, unfair and bear no relation to the reality of my roles and responsibilities during my service as Special Assistant to the President from June 2016 to October 2018 as well as Executive Assistant to the Mayor of Davao City from 1998 to 2016,” saad niya.
Paglilinaw ni Go, wala raw siyang kinalaman o naging awtoridad sa nasabing alegasyon laban sa kaniya.
“Let me be clear, at no time did I have any involvement in, knowledge of, or authority over these allegations. It is also inaccurate to claim that I was Chief of the Presidential Management Staff then since at no point in time did that responsibility fall under mine,” giit niya.
Ani Go, alam daw ng taumbayan na ginawala lamang niya ang kaniyang trabaho alinsunod sa batas ng tao at batas ng Diyos upang tumulong sa kapuwa.
“Alam ng aking mga kababayan na ginawa ko lang ang aking trabaho na naaayon sa batas ng tao at batas ng Diyos upang matulungan ang aking mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga mahihirap at walang ibang malalapitan kundi ang gobyerno,” pagdidiin niya.
Dagdag pa niya, “Throughout my career, I have upheld the highest standards of integrity, transparency, and dedication to the welfare of our people.”
Pagpapatuloy ni Go, hindi raw niya hahayaang maabala siya ng umano’y walang basehang alegasyon para gampanan siya ang kaniyang tungkulin bilang Senador sa Pilipinas.
“I will not allow these baseless accusations to distract me from my responsibilities as a duly elected Senator of the Republic. My focus remains steadfastly on serving the Filipino people - particularly the poor and vulnerable,” ‘ika niya.
“Patuloy kong gagawin ang aking trabaho at magseserbisyo ako nang tapat at may malasakit dahil naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, 'criminally responsible' sa 78 biktima ng war on drugs mula 2013-2018!—ICC
KAUGNAY NA BALITA: 'Panahon na ng pananagot!' De Lima, nag-react sa pagbanggit ng ICC kina Dela Rosa, Go, atbp
Mc Vincent Mirabuna/Balita