February 14, 2026

Home SHOWBIZ

'Kawawa mga anak niyang babae!' Rere Madrid, inalmahan pambabastos ng inang netizen

'Kawawa mga anak niyang babae!' Rere Madrid, inalmahan pambabastos ng inang netizen
Photo Courtesy: Rere Madrid (FB)

Hindi pinalampas ni Kapuso Sparkle artist Rere Madrid ang pambabastos sa kaniya ng isang netizen, na isa pa mandin umanong nanay.

Sa isang Facebook post kasi ni Rere noong Enero 19, makikita ang serye ng mga larawan niya na kuha noong pumunta siya sa Japan.

Ngunit isang netizen ang nagkomento ng kalaswaan sa post na ito. 

"Papaka*ntot kana naman jan kay kai," saad nito sa comment section.

Tony Labrusca, relihiyosyong tao; ‘di makikipagbardagol sa bashers

Kaya naman inalmahan ni Rere ang pambabastos na ito. Nagbigay siya ng tugon at ini-screenshot saka ibinahagi sa kaniyang Facebook account.

Aniya, “Attention!!!! Sana maturuan natin ng magandang pananalita itong si Ate [pangalan ng netizen] ‍ kawawa naman yung mga anak niyang babae kung ganyan siya.” 

Sa kasalukuyan, burado na ang komento ng netizen at naka-lock ang Facebook profile.