Inilahad ng International Criminal Court (ICC) na “criminally responsible” umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kabuuang 78 mga biktima ng inilatag nilang 49 insidente ng war on drugs noon.
KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC
Ayon sa inilabas na bagong dokumentong may 16 na pahina ng ICC sa kanilang website na nakapetsa noong Pebrero 13, 2026, inisa-isa nila ang 49 na kabuuang bilang ng mga insidente ng war on drugs mula noong 2013 na alkalde pa lang si FPRRD hanggang 2018 nang ganap na Pangulo na ito.
Sa nasabing dokumento, hinati ng ICC ang mga naturang insidente sa Counts 1 to 3 na umano’y sangkot ang dating Pangulo bilang indirect co-perpetrator, nag-utos, at tumulong sa mga kasong murder as a crime against humanity.
Mula sa ICC (Website).
Sa mga kasong murder ng Count 1, inilatag ng ICC ang incidents 1 to 9 na pumapatungkol sa pagsasagawa noon ng mga miyembro ng Davao Death Squad (DDS) ng pagpatay sa 19 mga biktima mula 2013 hanggang Hunyo 2016 noong alkalde pa lamang si Duterte sa Davao City.
“Count 1: Murder as a crime against humanity in Davao City during the Mayoral period of the 19 victims of Incidents 1 to 9, between 2013 and around June 2016, pursuant to articles 7(1)(a) and 25(3)(a) (indirect co-perpetration) and/or 25(3)(b) (ordering and/or inducing) and/or 25(3)(c) (aiding and abetting),” anila.
Habang ang mga kasong murder naman sa Count 2 ay pumapatungkol sa incidents 10 to 14 na inilatag ng ICC mula umano Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2017 kung saan maituturing na “high-value” ang 14 na mga biktima sa naging patayan sa war on drugs noong ganap na Pangulo na si Duterte.
“Count 2: Murder as a crime against humanity of ‘High-Value Targets’ in locations across the Philippines during the Presidential period of the 14 victims of Incidents 10 to 14, between around July 2016 and July 2017, pursuant to articles 7(1)(a) and 25(3)(a) (indirect co-perpetration) and/or 25(3)(b) (ordering and/or inducing) and/or 25(3)(c) (aiding and abetting),” saad nila.
Kasunod nito ang naging kasong pagpatay at attempted murders umano sa Count 3 sa incidents 15 to 49 na inilatag ng ICC tungkol sa mga “lower-level” na kriminal na mga naging biktima ng patayan mula noong Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018 sa panahong Pangulo pa rin si Duterte.
“Count 3: Murder and attempted murder as crimes against humanity in barangay clearance operations in locations across the Philippines during the Presidential period of the 45 victims (43 murders and two attempted murders) of Incidents 15 to 49, between around July 2016 and September 2018, pursuant to articles 7(1)(a) and/or 25(3)(f) and 25(3)(a) (indirect co-perpetration) and/or 25(3)(b) (ordering and/or inducing) and/or 25(3)(c) (aiding and abetting),” pagtatapos pa nila.
Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman naglalabas ng tugon, reaksyon, o pahayag ang kampo ni Duterte kaugnay rito.
Maaari namang bisitahin at i-download ang buong dokumento ng ICC sa link na ito: https://www.icc-cpi.int/court-record/icc-01/21-01/25-178-red2.
KAUGNAY NA BALITA: ICC, tinanggihan apela ng kampo ni FPRRD na baligtarin ang desisyon kaugnay sa 'fit to stand trial'
MAKI-BALITA: Kapatid ni FPRRD, sumakabilang-buhay na
Mc Vincent Mirabuna/Balita