Binanggit ng International Criminal Court (ICC) ang pangalan nina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at iba pa bilang co-perpetrators umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs mula 2011 hanggang 2019.
Ayon sa inilabas na bagong dokumentong may 16 na pahina ng Office of the Prosecutor ng ICC sa Pre Trial Chamber I na nakapetsa noong Pebrero 13, 2026, sinabi nilang nagkasundo umano sina Duterte at mga co-perpetrator niya sa isang “Common Plan” na “ma-neutralize” o itiklop ang umano’y mga kriminal sa Pilipinas kabilang na ang mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.
“At least between 1 November 2011 and 16 March 2019, DUTERTE and his coperpetrators shared a common plan or agreement to ‘neutralise’ alleged criminals in the
Philippines (including those perceived or alleged to be associated with drug use, sale or
production) through violent crimes including murder (‘Common Plan’)[...]” anang ICC.
Narito ang listahan ng mga indibidwal na nabanggit ng ICC na umano’y co-perpetrator at nakatulong ni Duterte noon:
1. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa
2. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go
3. Vicente Danao
4. Camilo Cascolan
5. Oscar Albayalde
6. Dante Gierran
7. Isidro Lapeña
8. Vitaliano Aguirre II
9. Iba pang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at umano’y mga high ranking officials.
Mula sa dokumento ng ICC (Website).
Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman naglalabas ng pahayag, tugon, o reaksyon sina Dela Rosa at Go kaugnay rito.
Maaari namang bisitahin at i-download ang buong dokumento ng ICC sa link na ito: https://www.icc-cpi.int/court-record/icc-01/21-01/25-178-red2.
KAUGNAY NA BALITA: ICC, tinanggihan apela ng kampo ni FPRRD na baligtarin ang desisyon kaugnay sa 'fit to stand trial'
MAKI-BALITA: Kapatid ni FPRRD, sumakabilang-buhay na
Mc Vincent Mirabuna/Balita