'GRABE NAMANG KASALANG BAYAN YAN'
Tila mas naging espesyal ang isinagawang Kasalang Bayan sa Pasig City dahil sa panghaharana ng OPM band na Ben&Ben sa mga bagong kasal.
Ibinahagi ng Ben&Ben ang pagdalo nila sa Kasalang Bayan sa Pasig kung saan sila tumugtog.
"[F]irst time maging witness at tumugtog sa kasalang bayan," saad ng banda sa isang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 14.
"[S]a hirap at ginhawa, lungkot at ligaya, mabuhay ang mga bagong kasal! [O]ras na para punuin ng alaala ang inyong duyan!" dagdag pa nila.
Nagpasalamat din ang Ben&Ben kay Mayor Vico Sotto at Pasig City local government unit.
Samantala, napa-sana all naman ang mga netizen base sa comment at shared post.
"Ito ang sana all talaga"
"Grabe namang kasalang bayan yan"
"hala napakaswerteeee"
"Ang swerte naman nila"
"HALAAAAAAA. NASA BUTING KAYO HUHUHUHU"
"sanaol naman"
"Ang swerte naman ng mga kinasal. One of my dream na kayo ang tumugtog/kumanta sa kasal ko Plus Mayor Vico Sotto pa."
"OMGGGG"
"Big surprise ng Kasalang Bayan sa Pasig!"
"Galing mo vico haha"
"Ayyy grabee"