Sinagot ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang tanong sa kaniya kung ano ang ideal daughter-in-law para sa kaniya.
Ginawa ito ng Pangulo sa kaniyang vlog entry #277 na may kinalaman sa pagdiriwang ng Valentine's Day.
"Bakit, may nag-aaplay?" natatawang tanong ni PBBM.
"Basta sa akin, simpleng-simple lang. Yung isang nagmamahal ng tunay sa aking anak. Basta't mahal na mahal yung anak ko, at iniisip lagi ang kaniyang kalagayan at lagi siyang nakabantay para sa ikabubuti ng anak ko, that's the daughter-in-law for me. It is a good one," aniya.
Kaugnay nito, sinagot din ng Pangulo ang tanong kung naniniwala pa siya sa konsepto ng panliligaw.
"Yes, kasi noong single pa ako, nanliligaw talaga kami, iyon ang ano sa amin eh, siyempre ibang klaseng ligaw, ganun pa rin yung mga traditional dati eh, pinupuntahan mo sa bahay, magkukuwentuhan, tapos magdadala ng regalo, once in a while magde-date, manonood ng sine, mag-dinner, whatever!
Ang mga anak na lalaki nina PBBM at FL Liza ay sina Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, William Vincent, at Joseph Simon.
Samantala, kinakiligan din ang naging Valentine's Day message niya para kay FL Liza na tinawag niyang "forever Valentine."
"My forever Valentine, Liza," ani PBBM.
"You are the love of my life, the heart of our home, and the calm in the middle of everything. You make it all make sense. You complete me."
"Happy Valentine's Day," aniya pa.
Kaugnay na Balita: PBBM sa 'forever Valentine' na si FL Liza: 'You complete me!'