February 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Sunog na bangkay, natagpuan ng mga alagang asong ipinapasyal lang ng kanilang amo

Sunog na bangkay, natagpuan ng mga alagang asong ipinapasyal lang ng kanilang amo
Photo courtesy: Contributed photo

Isang sunog na bangkay na nang matagpuan ang 19 taong gulang na dalagang ilang araw ng nawawala sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa mga ulat, mga alagang aso ng isang mag-asawang naglalakad-lakad ang nakaamoy at nakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Bigla na lamang daw lumihis ang kanilang mga alaga sa isang liblib at bakanteng lote. Nang sundan nila ang kanilang mga alaga, doon na tumambad ang bangkay ng dalaga.

Agad na nakipag-ugnayan ang mag-asawa sa mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Probinsya

Lalaking umakyat sa puno ng niyog, sinalubong ng tuklaw ng ahas!

Matapos ang ilang oras, dumating ang tricycle driver na ama ng biktima na siyang nagkumpirma sa pagkakakilanlan nito sa pamamagitan na ng mga narekober umanong gamit malapit sa kaniyang bangkay.

Ang biktima ay isang college student at na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM).

Una siyang napaulat na nawawala noong Pebrero 10, 2026 at natagpuan ang bangkay niya noong Pebrero 12.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek sa karumal-dumal na krimen at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.