February 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maris Racal, binanasagang ‘tirador ng mga bokalista’

Maris Racal, binanasagang ‘tirador ng mga bokalista’
Photo Courtesy: via MB, Maris Racal (IG)

Nagkaroon ng bagong tawag kay Kapamilya star Maris Racal matapos lumutang ang selfie nila togehter ni Cup of Joe vocalist Gian Bernardino.

Sa isang Instagram post ni Maris noong Huwebes, Pebrero 12, makikita ang larawan nila ni Gian na magkatabi habang may hawak siya bulaklak.

"Plot twist," mababasang caption ng post, na may emoji na white heart. Naka-tag ang post niya sa Instagram post ni Gian.

Sabi tuloy ng isang netizen, “Maris as saint patron na tirador ng mga vocalist ”

Tsika at Intriga

'Plot twist!' Maris Racal at Cup of Joe vocalist Gian Bernardino, iniintriga!

Umani tuloy ng sangkatutak na replies ang nasabing komento. Narito ang ilan sa kanilang sey:

"Maris as saint patron na tirador ng mga vocalist "

"gagiiii HAHA"

"mag comment na sana ako 'mahilig si Maris sa mga vocalista' "

"totoooooo."

" she loves music din kasi"

"hahahahahaahha omg"

"sa alam ko ha walang vocalist na jowa c maris c Rico hinde naman xa vocalist c gian hinde naman nya yan jowa friend lang naman yan cla hay walang tama sa comment mo te hahaha alagaan mo nalang mga anak mo wag kanang mangialam"

"tanga ano pinagsasabi mo te magkaibigan lang sila at lantad naman na gay si Giann"

Matatandang nakarelasyon ni Maris si Rico Blanco na bukod sa dating vocalist ay keyboardist, chief songwriter, guitarist, at founding member din ng alternative rock band na Rivermaya.

Samantala, kumpirmado namang may kinalaman ang selfie nina Maris at Gian sa bagong kantang inilabas ng Kapamilya star na pinamagatang  “Sino ang Tanga” kung saan kasama niya ang Cup of Joe vocalist sa music video nito.

Kaugnay na Balita: 'Plot twist!' Maris Racal at Cup of Joe vocalist Gian Bernardino, iniintriga!