February 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking umakyat sa puno ng niyog, sinalubong ng tuklaw ng ahas!

Lalaking umakyat sa puno ng niyog, sinalubong ng tuklaw ng ahas!

Sugatan ang isang lalaki matapos siyang tuklawin ng ahas sa tuktok ng puno ng niyog sa South Cotabato.

Ayon sa mga ulat, nagtamo ng kagat sa balikat ang lalaki matapos siyang tuklawin ng hindi natukoy na ahas sa puno ng niyog.

Sinasabing binalaan pa siya ng asawa ng biktima na bumaba na mula sa puno dahil may naunang ahas na umakyat dito. Gayunman, binalewala raw ito ng biktima sa pag-aakalang nagbibiro lang kaniyang misis.

Matapos matuklaw, ay ligtas namang nakababa ang biktima mula sa puno. Agad silang nanghingi ng tulong at mabilis na naitakbo sa ospital.

Probinsya

Sunog na bangkay, natagpuan ng mga alagang asong ipinapasyal lang ng kanilang amo

Samantala, sa takot ng ilang resiente ay agad nilang hinuli ang ahas na nakakagat sa biktima at saka pinagtataga hanggang sa mapatay. Anila, ginawa raw nila ‘yon upang wala na raw itong mapinsala.

Kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital ang biktima.