Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagkamatay ng limang taong gulang na kindergarten pupil na tinamaan ng ligaw na bala sa loob ng classroom.
Sa pahayag na inilabas ng DepEd noong Huwebes, Pebrero 12, 2026, nagpahayag sila ng pakikiramay sa kaanak ng biktima.
"The Department of Education (DepEd) expresses its deepest condolences to the family of a five-year-old kindergarten learner who lost his life after being struck by a stray bullet during an armed encounter near Damabalas Elementary School in Datu Piang, Maguindanao del Sur," anang DepEd.
Nanindigan din ang ahensya hinggil sa pagkakaroon ng seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
"No child should ever be placed in harm’s way, especially inside a classroom," anang ahensya.
Dagdag pa nila, "The Department strongly condemns all violence that endangers learners. Schools must remain zones of peace."
Matatandaang noong Pebrero 11 nang mapaulat ang sinapit ng biktima na bigla na lamang bumulagta sa loob ng classroom bunsod ng pagtama ng ligaw na bala.
Ayon kay Bangsamoro leader Datu Ali Ebrahim, nagmula ang bala sa patuloy umanong bakbakan sa kalapit na lugar.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) upang matukoy kung saan pinaputok ang baril at kung sino-sino ang responsable sa insidente.
KAUGNAY NA BALITA: Kindergarten pupil, patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa classroom!
Pagsisiguro naman ng DepEd, "We are coordinating with BARMM, MBHTE, local officials, and security authorities to support the school community and ensure protection measures are strengthened."