Gumalantang sa pamilya ng isang babae ang lihim niyang matagal na niyang itinago sa mga anak sa asawa niya matapos madiskubre ang freezer sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa mga ulat, 9 ang anak ng suspek mula sa tatlong magkakaibang mga lalaki.
Isa raw sa kanila ang nakadiskubre ng patay na sanggol sa loob ng freezer sa kanilang tahanan sa eastern France noong Pebrero 10, 2026, kung saan agad nila itong ipinag-bigay sa mga awtoridad.
Matapos ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad, isang sanggol pa raw ang tumambad sa kanila na nakabalot naman sa isang bag. Bunsod nito, mabilis na naibaling ang paghihinala sa ina ng mga biktima.
Ayon sa mga ulat, napansin daw ng kaniyang mga anak ang kahina-hinalang kilos ng suspek matapos sila nitong iwanan noong Disyembre 2024.
Nasakote ng pulisya ang suspek sa Paris noong Pebrero 11 kung saan tahasan niyang inamin ang ginawa niya sa dalawang sanggol.
Depensa niya, dalawang beses niyang ginawa ang krimen sa magkaibang mga taon matapos niyang itago ang pagbubuntis niya.
Taong 2011 nang una raw niyang isilang ang unang sanggol na natagpuan sa freezer na malapit sa kanilang laundry area. Habang taong 2018 naman nang palihim ulit siyang nabuntis at agaran umano niyang isinilad sa bag ang sanggol at inilagay sa freezer.
Ayon sa suspek, nagsuot daw siya ng mga malalaking dami upang hindi mahalata ng kaniyang pamilya ang lihim niyang pagbubuntis.
Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng dalawang sanggol upang matukoy ang sanhi ng kanilang pagkamatay habang nananatili naman sa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong infanticide.