February 12, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Paulo Avelino sinita 2 taong ilang araw nang kinukunan ng pic, video labas ng bahay nila

Paulo Avelino sinita 2 taong ilang araw nang kinukunan ng pic, video labas ng bahay nila
Photo courtesy: Paolo Avelino (FB/X)

Ibinahagi ng Kapamilya star na si Paulo Avelino ang larawan ng dalawang taong umano'y ilang araw nang nagpi-picture taking at kinukuhanan ng video ang labas ng kanilang bahay, sa hindi pa malamang dahilan.

Makikita sa X post ni Paulo nitong umaga ng Huwebes, Pebrero 12, ang isang larawan kung saan makikita ang dalawang babaeng nakasuot ng face mask; ang unang babae ay may hawak namang itim na payong.

Bukod dito, makikita ang isang bahagi ng harapan ng mobile ng police, at mukhang kinakausap sila ng mga awtoridad na sakay nito.

Mababasa sa post ni Paulo, "Since ilang araw niyo rin naman na kinukunan ng picture and video yung labas ng bahay namin, okay lang naman din siguro na i-post yung picture niyo para patas lang."

Tsika at Intriga

'Plot twist!' Maris Racal at Cup of Joe vocalist Gian Bernardino, iniintriga!

Photo courtesy: Screenshot from Paulo Avelino/X

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizens, lalo na sa fans at supporters ni Paulo na bumuhos ang pag-aalala para sa kaniya.

"Oh my! bakit kaya at para saan?! stay safe paps!"

"Let’s give them privacy, they deserve personal space and respect. We need to set boundaries as fans. They bring happiness to us, but that doesn’t mean it’s okay to go to their homes or take private photos. Real fans would never invade their privacy. Please be careful our dear Pau."

"Halaaaa! Jusq kung andito man 'tong dalawa na 'to, dapat lang kayong mahiya!"

"May mga nababasa akong hindi sila kilala ng mga usual KimPau na pumupunta sa mga events, therefore I conclude hindi yan KimPau..so sino kaya sila? Mga content creator? Ang creepy."

"Hala! Grabe naman yan! Umabot pa sa pag-stalk. Fan or not, this is not right. Maybe it’s just me, but I feel like we can support and admire someone without crossing into their private space, kung fans mga yan. Bahay nila yun. They deserve to feel safe there."

Hindi naman binanggit ni Paulo kung ano ang motibo ng mga nabanggit na babae, at kung sasampahan ba niya ng reklamo ang mga ito.