Dumalo ang dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr. sa ikalawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes, Pebrero 12, 2026, kaugnay ng reklamong plunder na isinampa laban sa kaniya.
Konektado ang reklamo sa umano’y anomalya sa mga proyektong flood control na kaniyang kinahaharap sa kasalukuyan.
Sa pagharap sa media, hindi napigilan ni Revilla na batikusin ang mga nag-aakusa sa kaniya.
"Hindi ko alam kung paano nakakatulog yung mga nag-aakusa sa akin," ani Revilla.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng DOJ ang kaso upang matukoy kung may sapat na batayan upang maisampa ang pormal na kaso sa korte.
Matatandaang sinampahan ng mga kasong graft at malversation ng Office of the Ombudsman si Revilla at anim (6) na iba pang executives mula sa Department of Public Works and Highways sa Bulacan 1st District Engineering Office dahil sa umano’y ₱92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Maki-Balita: Bong Revilla, 6 na iba pa kinasuhan ng Ombudsman!
Noong Enero 19, sumuko si Revilla sa awtoridad kasunod ng kaniyang warrant of arrest at hold departure order na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong non-bailable malversation na may kinalaman sa isang maanomalyang flood control project
Maki-Balita: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'
Noong Enero 20, naglagak ng ₱90,000 piyansa ang dating senador kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kaniya, na may kinalaman pa rin sa ₱92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.
Maki-Balita: Rep. Lani Mercado sa prayer rally para kay ex-Sen. Bong Revilla: 'Masakit at nakakagalit'