February 12, 2026

Home BALITA Probinsya

KILALANIN: Si Kingston Ralph Cheng, ang 23-anyos negosyanteng nasawi sa hit-and-run

KILALANIN: Si Kingston Ralph Cheng, ang 23-anyos negosyanteng nasawi sa hit-and-run
Photo courtesy: Kingston Ralph Cheng (LI),Contributed photo via MB

Nasawi ang isang 23-anyos na negosyante mula sa Cebu City dahil sa karumal-dumal na insidente ng hit-and-run matapos siyang mabangga ng humaharurot na sasakyan kamakailan. 

Ang nasabing negosyante ay kinilalang si Kingston Ralph Cheng, na base sa ulat ng media, nabangga ng isang SUV habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Brgy. Banilad, Cebu City. 

Base pa sa inilahad ng isang nakasaksi at tumulong sa biktima, hindi raw huminto ang driver sa kabila ng malakas na pagkakabangga, bagkus ay nagpatuloy pa rin ito sa pagharurot na nagdulot para tumaob ang sasakyan nito. 

Sa kasalukuyan, naka-hospital arrest ang 21-anyos na driver at suspek na kinilalang si Sean Andrew Pajarillo. 

Probinsya

Kindergarten pupil, patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa classroom!

Bagama’t nag-negatibo sa liquor test na isinagawa sa ospital, 12 oras matapos ang insidente, inamin ng Cebu City local government unit (LGU) na hindi raw sila nakapagsagawa breathalyzer test dito dahil wala raw ganitong kagamitan sa lungsod. 

Bilang pakikiramay sa biktima, napuno ng mga bulaklak ang pinangyarihan ng insidente. 

Tiniyak din nina Cebu City Mayor Nestor Archival at Cebu City Councilor Harold Kendrick Go na mahigpit nilang iimbestigahan ang mga naging pangyayari sa trahedya ng pagbangga at papatawan ng karampatang kaso ang driver na nakabangga kay Cheng. 

“I assure the public that this case is being handled with seriousness and fairness. I have directed our police authorities to conduct a thorough and transparent investigation and to pursue appropriate charges under the law. No one is above the law, and accountability will be based on the full facts of the case,” saad ni Archival sa kaniyang post.

“This heartbreaking incident reminds us that road safety is a shared responsibility. Every motorist has a duty to drive with discipline, caution, and respect for human life. While we uphold the principle of due process, we also affirm that accountability must be enforced. The law must take its proper course so that justice may be served,” pakikiramay naman ni Go, na mababasa rin sa kaniyang Facebook post

SINO NGA BA SI KINGSTON RALPH CHENG?

Si Cheng ay may-ari ng isang pastry at coffee shop sa Cebu City, base sa mga ulat sa media. 

Base naman sa kaniyang profile sa social media, siya ay nakapagtapos sa kursong International Business sa Monash Business School noong 2023. 

Ibinahagi rin ni Cebuana artist, Karencitta, sa kaniyang post na bukod sa pagiging dedikado sa kaniyang trabaho, si Cheng ay isang “gentle spirit” na may kababaang-loob, at tuwing magkakausap sila, simple ngunit makabuluhan ang mga nagiging usapan nila. 

“Every time we crossed paths, our conversations were simple but meaningful—about Diliscious Mani, The Mill pastries, coffee, and the everyday dreams. I will always remember the humility he showed, the dedication he had to his work, and the gentle spirit he carried,” pakikidalamhati ni Karencitta. 

Saad naman ng grupong Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa kanilang pahayag na kinatawan ni Cheng ang pagkamalikhain at determinasyon na tatak ng mga batang henerasyon ng mga negosyante ng Cebu. 

Anila pa, ang alab nito sa pagnenegosyo ay malaking tulong sa buong business community, kaya malaking kawalan ang pagkasawi ni Cheng, hindi lamang para sa pamilya niya ngunit pati na rin sa mas malawak na entrepreneurial ecosystem. 

“Kingston embodied the promise, creativity, and determination of Cebu’s next generation of entrepreneurs. His passion to build and contribute at such a young age reflected the energy that continues to drive our local business community. His passing is a profound loss not only to those closest to him, but to the broader entrepreneurial ecosystem,” pakikiramay ng CCCI. 

Sean Antonio/BALITA