February 11, 2026

Home BALITA National

'It's a badge of honor!' Kalayaan Vice Mayor, 'di natinag sa travel ban ng China

'It's a badge of honor!' Kalayaan Vice Mayor, 'di natinag sa travel ban ng China
Photo courtesy: NewsWatch Plus (FB), File Photo

Tila hindi natinag ang Vice Mayor ng Kalayaan, Palawan kahit na nakasama siya sa 16 na mga indibidwal na idineklarang “not welcome” ng Chinese Embassy sa bansa nilang China.

Ayon sa naging panayam sa Newsmaker ng Newswatch PH nitong Miyerkules, Pebrero 11, 2026, sinabi ni Kalayaan Vice Mayor Maurice Philip Alexis Albayda na isa raw karangalan ang kanilang ginagawa para sa bansa. 

“Actually, it’s a badge of honor,” pagsisimula niya, “Not all Filipinos are in the same situation [as you].” 

Ani Albayda, pinakadakila raw na tungkulin para sa isang naglilingkod sa bayan ang manindigan sa bansa at karapatan ng mga Pilipino. 

National

VP Sara, personal na nakiramay sa pamilya ng mga biktima ng lumubog M/V Trisha Kerstin 3

“Ang manindigan para sa bansa, ang manindigan para sa karapatan nating mga Pilipino ay pinakamataas po—pinakadakila na tungkulin po ng isang naglilingkod sa bayan,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang naglabas ng listahan ang Chinese Embassy ng mga opisyal mula munisipalidad ng Kalayaan, Palawan, kasama si Albayda, kung saan pinagbawalan nila ang mga itong pumasok o idineklarang “not welcome” sa bansang China.

KAUGNAY NA BALITA: 16 opisyal sa komunidad ng Kalayaan, pinagbawalang pumasok sa China

Ayon kasi sa Chinese Embassy, dalawang beses na raw nagdedeklara ang mga opisyal sa Kalayaan, Palawan ng persona non grata sa mga Chinese Ambassador. 

Pati na rin ang naging deklarasyon ng mga opisyal sa nasabing siyudad ng persona non grata sa dating Chinese Ambassador na si Huang Xilian noong Agosto 2023, matapos magkaroon ng kasong pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) sa may Ayungin Shoal.

MAKI-BALITA: 'Di ko sinabing ipamigay!' Sen. Marcoleta, mariing itinanggi suhestiyong isuko KIG

MAKI-BALITA: ‘He does not have to worry!’ Tarriela, pinapapunta si Marcoleta sa KIG

Mc Vincent Mirabuna/Balita