February 11, 2026

Home SHOWBIZ

Fun fact ni Karen De Guzman: 'I was really named after Ms. Karen Davila!'

Fun fact ni Karen De Guzman: 'I was really named after Ms. Karen Davila!'
Photo courtesy: Jeff Canoy (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si "TV Patrol" at ABS-CBN news reporter Karen De Guzman sa trending na pagkakamali ni ABS-CBN news anchor Karen Davila sa pagsambit ng pangalan niya, na siyang gumawa ng ulat tungkol sa isang naganap na krimen.

Nangyari ang pagkakamali nitong Martes, Pebrero 10, kung saan "Karen Davila" ang nabanggit niya sa halip na "Karen De Guzman."

Tungkol ang balita sa pagrereklamo ng working student laban sa sampung pulis mula Angono, Rizal matapos umano siyang ilegal na arestuhin at pagnakawan.

Agad na kumambyo si Karen nang mapagtanto niyang nagkamali siya ng sinabing pangalan.

'Aging is a privilege!' Sharon Cuneta todo-flex sa senior citizen card niya

"Inirereklamo ng isang working student ang sampung pulis mula Angono, Rizal matapos umano siyang ilegal na arestuhin at pagnakawan. Ayon sa biktima, pinilit siya ng mga pulis na umaming sangkot siya sa ilegal na droga. At kinikilan pa raw kapalit ng kaniyang kalayaan."

"Nagpapatrol, Karen Davila... ay! Karen De Guzman!" habol pa ni Karen.

Sa kaniyang X post, natatawang humingi ng paumanhin si Karen.

"OMG… ay… Karen De Guzman! Apologies," aniya.

Sa isa pang video, natatawang ipinaliwanag ni Karen ang mga nangyari.

"Alam mo 'yong para ka nang... automatic na 'yong utak mo, my gosh... Karen De Guzman," natatawa niyang paliwanag.

Kaugnay na Balita: Mali ka, Dear! Karen Davila nagkamali, sariling pangalan nasabi sa halip na ibang reporter

REAKSIYON NI KAREN DE GUZMAN

Matapos mag-viral ni Karen, agad na nag-post si Karen De Guzman ng ilang compilation clips nila ni Karen Davila kapag nagkakataong siya ang reporter nang live news reporting at ang huli naman ang news anchor sa studio.

Kahit nagkamali nang slight, sinabi ni De Guzman na "forever fan" siya ni Davila.

"Karen-to-Karen during live news reports," aniya.

"Buti na lang talaga, hindi na po need i-mention ang surname after lead in haha. Forever a fan of Ms. Karen Davila!" aniya pa.

Sa isa pang Facebook post, ni-reveal ni De Guzman na sadyang ipinangalan pala siya kay Davila; at sino nga namang mag-aakalang magkakasama pa sila sa trabaho.

"FUN FACT: I was really named after Ms. Karen Davila," aniya pa.

Samantala, ibinahagi naman ng isang pang ABS-CBN news journalist na si Jeff Canoy ang isang larawan kung saan kasama niya sa TV Patrol studio ang dalawang Karen.

"Karen po," nakasaad sa caption ng post.