February 11, 2026

Home BALITA Metro

Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada!

Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada!
Photo courtesy: Santi San Juan/MB

Isang estudyante ang tumalon mula sa mataas na bahagi ng Fernando Poe Jr. Avenue Station ng LRT-1 sa kanto ng Muñoz, nitong Miyerkules, Pebrero 11, 2026.

Sa paunang imbestigasyon ng mga guwardiya ng LRT, bago pa man dumating ang pulisya, nakilala ang biktima bilang mag-aaral ng Philippine Christian University (PCU) batay sa nakuhang identification card. 

Tinatayang nasa tatlong palapag ang tinalon ng biktima mula sa nasabing estasyon. Isang dashcam video rin ang kumalat sa social media kung saan mapapanood ang pagbagsak ng biktima at nasapul ng dumaraang sasakyan.

Batay sa tauhan ng Metropolitan Manila Devopment Authority (MMDA), nakaladkad umano ng naturang sasakyan ang katawan nito mula sa pinaniniwalaang pinagbagsakan sa northbound lane ng EDSA patungong Balintawak at Monumento.

Metro

Matapos insidente ng panggugulpi: Intramuros Administration, iginiit zero-tolerance policy kontra karahasan

Sa mga unang sandali, napansin pang gumagalaw ang biktima. Rumesponde ang rescue team ng isang news outlet upang alamin kung may buhay pa ito at subukang i-revive. Gayunman, bandang 10:57 ng umaga ay tumigil na ang anumang galaw at itinigil na rin ang resuscitation, bagaman hindi ito opisyal na idineklara ng first responder na patay.

Apat na ambulansiya ang dumating sa lugar, kabilang ang mula sa rescue team ng media at isa mula sa MMDA Road Emergency Group.

Ayon sa isang saksi na isang jeepney dispatcher, una niyang inakala na piraso lamang ng damit ang nahulog mula sa estasyon ng LRT.

Sa inilabas na pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), kinumpirma nitong may nangyaring insidente sa estasyon.

“LRMC confirms an incident involving a male individual at LRT-1 Fernando Poe Jr. Station earlier today,” anang pamunuan ng LRT-1.

Ayon pa sa kumpanya, bandang alas-10:30 ng umaga nang tumalon ang lalaki mula sa platform patungong kalsada sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Reports indicate that at approximately 10:30 AM, a male individual jumped off from the station platform to the street level of Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA),” anila.

Samantala, tiniyak ng LRMC na patuloy ang pakikipagtulungan nila sa mga awtoridad.

“LRMC is fully cooperating with the authorities in their ongoing investigations.”

Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at sinabing nanatiling normal ang biyahe ng tren.

“LRT-1 operations were not affected by the incident and remain fully operational.”