Mariing nanindigan si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na hindi raw siya papayag na hindi galangin ng mga dayuhan ang mga Pilipino sa sariling bansa.
Kaugnay ito sa naging pahayag ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng sa kanilang Facebook page noong Martes, Pebrero 10, 2026, kung saan sinabi niyang mariin daw nilang hindi tinatanggap ang umano’y “anti-China resolution” ng Senado at idiniin nilang isa lamang itong “political stunt.”
“The so-called ‘Kalayaan Municipality’ council of the Philippines adopted resolutions in 2023 and 2026 declaring the Chinese ambassador to be a ‘persona non grata’ in the municipality,” pagsisimula nila.
MAKI-BALITA: ‘We will not be silenced!’ Sen. Risa, sumabat sa pag-alma ng China sa Senate reso
Ayon naman sa inilabas na pahayag ni Pangilinan sa website ng Senado nitong Miyerkules, Pebrero 10, 2026, sinabi niyang pinapatunayan ng naging tugon ng Chinese Embassy ag pagiging “bully” nito at kawalan ng respeto sa international law.
“The Chinese Embassy’s undiplomatic and boorish response to the official act of the Philippine Senate, in violation of the Vienna Convention on Diplomatic Relations, only proves that China is indeed a bully, has no respect for International law and their acts deserving of condemnation,” pagsisimula niya.
“We rest our case,” diin pa niya.
Ani Pangilinan, hindi raw sila papayag na ma-disrespect ng mga dayuhan ang mga Pilipino sa sariling lupain sa loob ng Pilipinas.
“We will never tolerate nor be cowed by foreigners disrespecting us in our own land,” aniya.
Matapos nito, nanawagan naman ang senador sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng “diplomatic measures” upang panindigan umano ang dignidad ng Pilipinas at masiguradong nakabatay sa international law ang pakikipagrelasyon ng bansa sa iba pang mga estado.
“We reiterate our call for the DFA (Department of Foreign Affairs) to take the necessary diplomatic measures to uphold the dignity of the Republic of the Philippines and to ensure that relations with other States are conducted in accordance with international law and established principles of State relations,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag ang Chinese Embassy sa kanilang page kaugnay rito.
MAKI-BALITA: 'Tiba-tiba sa TUPAD ng China!' Sen. Kiko, binuweltahan umano'y mga nagkalat na trolls
MAKI-BALITA: Sen. Kiko, bumuwelta sa Chinese embassy matapos puntiryahin si Sen. Risa!
Mc Vincent Mirabuna/Balita