February 11, 2026

Home BALITA National

16 opisyal sa komunidad ng Kalayaan, pinagbawalang pumasok sa China

16 opisyal sa komunidad ng Kalayaan, pinagbawalang pumasok sa China
Photo courtesy: File Photo

Naglabas ng listahan ang Chinese Embassy ng mga opisyal mula munisipalidad ng Kalayaan, Palawan, kung saan pinagbawalan nila ang mga itong pumasok o idineklarang “not welcome” sa bansang China. 

Bago nito, matatandaang nauna nang magpasa ng resolusyon ang lokal na munisipalidad ng Kalayaan, Palawan tungkol sa pagdedeklarang “persona non grata” sa kanilang lugar si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan noong Enero 27, 2026. 

Ayon naman sa opisyal na pahayag na isinapubliko ng Chinese Embassy sa kanilang Facebook page noong Martes, Pebrero 10, 2026, sinabi nilang dalawang beses nagdedeklara ang mga opisyal ng naturang munisipalidad ng persona non grata sa mga Chinese Ambassador. 

Kaugnay rin ito ng naging deklarasyon ng mga opisyal sa nasabing siyudad ng persona non grata sa dating Chinese Ambassador na si Huang Xilian noong Agosto 2023, matapos magkaroon ng kasong pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) sa may Ayungin Shoal. 

National

‘We will not be silenced!’ Sen. Risa, sumabat sa pag-alma ng China sa Senate reso

“The so-called ‘Kalayaan Municipality’ council of the Philippines adopted resolutions in 2023 and 2026 declaring the Chinese ambassador to be a ‘persona non grata’ in the municipality,” pagsisimula nila. 

Dahil umano rito, hindi umano nila pamamayagang pumasok ng China ang mga opisyal na kasama sa pagdedeklara ng persona non grata sa mga Chinese ambassador. 

Narito ang listahan ng pangalan ng mga opisyal na pinagbawalan nang makapasok sa China:

1. Beltzasar S. Alindogan

2. Maurice Phillip Alexis S. Albayda

3. Nonelon B. Balbontin

4. Nonie C. Gapuz

5. Roberto M. Asiado

6. Hubert B. Llavan

7. Francis P. Polizon

8. Marilou S. Vales

9. Monico A. Abogado

10. Eugenio B. Bito-onon

11. Hermoso A. Ornopia

12. Tracylie Shierjun R. Malabayabas

13. Arzel E. Belidan

14. Vicencio R. Milan

15. Allan D. Dellosa

16. Mary Cristina J. Lagrosa

Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman naglalabas ng tugon, reaksyon, o pahayag ang mga nasabing opisyal kaugnay sa deklarasyong ito ng Chinese Embassy. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita