February 10, 2026

Home BALITA

Trillanes, ‘di kinakalimutan umano’y anomalya ni Pulong sa flood control projects: ‘Hahabulin ko pa rin!’

Trillanes, ‘di kinakalimutan umano’y anomalya ni Pulong sa flood control projects: ‘Hahabulin ko pa rin!’
Photo Courtesy: Antonio Trillanes IV (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa pahayag ni Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte tungkol sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Anang kongresista, tila nakakalimutan na umano ng marami ang aniya’y pinakamalaking anomalya sa kasaysayan.

“Habang abala ang publiko sa ingay at drama, ang pinakamalaking anomalya sa kasaysayan ng flood control spending ay unti-unting itinutulak palabas ng usapan,” saad ni Rep. Duterte.

Pero sa latest Facebook post ni Trillanes noong Lunes, Pebrero 9, tiniyak niya sa kongresista na hindi niya kinakalimutan ang umano’y anomalya mismo nito sa nasabing proyekto.

Politics

‘Kayo na lang sumama!’ Go, Padilla pinanindigan pagiging solid Duterte bloc

Sabi niya, “Hayaan mo, Pulong, hindi ko kinakalimutan. Hahabulin ko pa rin yung Php51 billion mo.”

Matatandaang inalmahan na ni Rep. Duterte ang ₱51 bilyong insertions na iniuugnay sa kaniya noong Setyembre 2025. 

“Never ako nakialam sa mga budget hearing sa Kamara. Kahit tanungin niyo pa yung mga nagdaang Speaker. May delicadeza ako. Hindi kagaya ngayon na mismo magkakamag-anak ang naglalaro sa budget,” saad ng kongresista.

Ito ay matapos kumpirmahin ng namayapang si Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral ang nasabing halaga na inilaan sa unang distrito ng Davao para sa infrastructure projects mula 2020 hanggang 2022.

Maki-Balita: Rep. Pulong Duterte, umalma matapos idawit ₱51B pondo sa infra projects ng Davao mula 2020-2022