April 19, 2026

Home BALITA Politics

Rep. Pulong Duterte, umalma matapos idawit ₱51B pondo sa infra projects ng Davao mula 2020-2022

Rep. Pulong Duterte, umalma matapos idawit ₱51B pondo sa infra projects ng Davao mula 2020-2022
Photo Courtesy: via MB

Bumwelta si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte matapos makaladkad ang pangalan niya sa pagdinig ng House Infrastructure Committee nitong Martes, Setyembre 9.

Kinumpirma kasi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral ang halos ₱51 bilyong pondong inilaan sa unang distrito ng Davao para sa infrastructure projects mula 2020 hanggang 2022.

Sa ginanap na hearing, kinompronta ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon si Cabral tungkol sa pahayag na binanggit nito sa isang pahayagan.

Batay sa ulat noong Enero 2024, kinumpirma ni Cabral ang umano’y ₱51 bilyong natanggap ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa distrito nito noong huling taon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Usisa ni Ridon, “Do you remember stating that quote?” 

Politics

Baste Duterte, Raffy Tulfo, Vico Sotto, nanguna sa pinakabagong Senatorial Survey —Arkipelago Analytics

“I remember, your honor,” sagot ni Cabral.

Sundot pa ng kongresista, “And if you remember stating that quote, do you confirm the information in that quote; that you confirm those amounts na nabanggit ninyo?”

“Yes, your honor,” tugon ng DPWH Undersecretary.

Ngunit sa latest Facebook post ni Pulong nito ring Martes, sinabi niyang hindi raw siya kailanman nangialam ng budget sa Kamara.

“Never ako nakialam sa mga budget hearing sa Kamara. Kahit tanungin niyo pa yung mga nagdaang Speaker. May delicadeza ako. Hindi kagaya ngayon na mismo magkakamag-anak ang naglalaro sa budget,” saad ng kongresista.

Dagdag pa ni Pulong, “Balik niyo yan sa usapang Martin Romualdez at Zaldy Co para may maniwala sa inyo, InfraComm. Huwag n’yong gamitin ang Davao at ang pamilya ko para lang ma-divert ang isyu at mailihis ang tunay na korapsyon.”

Matatandaang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Setyembre 8, pinangalanan ni Curlee Discaya sina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co bilang matataas na opisyal na nakatatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata nila sa gobyerno.

Ayon sa sinumpaang pahayag ni Curlee, kasama sina Romualdez at Co bilang mga opisyal na nakakatanggap umano ng 25% sa budget ng flood control projects na hawak ng mga Discaya.

Pero sa inilabas na pahayag ni Romualdez, mariin niyang itinangi ang pahayag ni Discaya at iginiit na wala umanong kahit na sino ang makakapanuhol sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez sa alegasyong nakatanggap siya ng komisyon sa flood control projects: 'Nobody can bribe me. I am self-made'