February 11, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mark Herras, tinawag na 'inutil' mga nang-intriga sa viral na pag-iyak niya

Mark Herras, tinawag na 'inutil' mga nang-intriga sa viral na pag-iyak niya
Photo courtesy: Mark Herras (FB)

Naglabas ng matapang at direktang pahayag sa Facebook ang aktor na si Mark Herras kaugnay ng viral video kung saan makikitang umiiyak siya—isang video na, ayon sa kaniya, ay maling binigyan ng kuwento ng ilang netizens at content creators.

Sa kaniyang latest Facebook post, iginiit ni Mark na ang naturang video ay may kinalaman sa personal na problema at hindi dapat bigyan ng kung ano-anong interpretasyon para lamang makalikha ng online content.

Kaugnay na Balita: ‘Kulong sa sistema!' Mark Herras, umiyak; fellow celebs, nag-alala!

Mariin niyang kinondena ang mga gumagawa umano ng pekeng naratibo, partikular ang alegasyong umiiyak siya dahil wala raw siyang trabaho.

Tsika at Intriga

'Hindi totoo 'yon!' Izzy Trazona tinabla ang anak, nag-uusap pa raw sila

Ayon kay Herras, aktibo siyang nagtatrabaho at kasalukuyang may mga proyektong ginagawa sa ilalim ng GMA Network at ng BuenasPH.

Nilinaw ng aktor na walang katotohanan ang mga kumakalat na espekulasyon at hinikayat ang publiko, lalo na ang mga content creator, na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon.

Bagama’t gumamit ng matitinding salita ang aktor sa kaniyang post, malinaw ang kaniyang punto: may hangganan ang paggawa ng content, at hindi dapat gawing materyal ang personal na pinagdaraanan ng isang tao, lalo na kung ito’y walang sapat na konteksto o katotohanan.

"FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang gingawa basta may ma content lang wag kayong gago!!! Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema!" aniya.

"Wag kayong tanga at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!! May mga trabaho akong gingawa may show ako na ginagawa under GMA 7 at under BuenasPH so para sa mga gumgawa ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong tanga! Maghanap kayo ng ibang macocontent wag ako mga inutil!!!!" nagngingitngit na sabi ni Mark.

Photo courtesy: Screenshot from Mark Herras/FB

Hindi naman idinetalye ni Mark kung anong personal na problema ang tinutukoy niya. 

Pero bukod sa pag-iyak niya, usap-usapan din ang tila pag-unfollow nila sa isa't isa ng misis na si Nicole Donesa.

Kaugnay na Balita: Kaya ba umiyak? Mark Herras at misis, nag-unfollowan sa socmed