February 10, 2026

Home SHOWBIZ

Mali ka, Dear! Karen Davila nagkamali, sariling pangalan nasabi sa halip na ibang reporter

Mali ka, Dear! Karen Davila nagkamali, sariling pangalan nasabi sa halip na ibang reporter
Photo courtesy: Screenshots from TV Patrol, ABS-CBN News (YT/FB)

Kinaaliwan ng mga manonood at netizens ang slight na pagkakamali ni TV Patrol news anchor Karen Davila matapos niyang magkamali sa pangalang nasambit. na maghahatid ng isang balita sa live telecast ng flagship newscast program ng ABS-CBN.

Nangyari ang pagkakamali nitong Martes, Pebrero 10, kung saan "Karen Davila" ang nabanggit niya sa halip na "Karen De Guzman."

Tungkol ang balita sa pagrereklamo ng working student laban sa sampung pulis mula Angono, Rizal matapos umano siyang ilegal na arestuhin at pagnakawan.

Agad na kumambyo si Karen nang mapagtanto niyang nagkamali siya ng sinabing pangalan.

Tsika at Intriga

Mark Herras, tinawag na 'inutil' mga nang-intriga sa viral na pag-iyak niya

"Inirereklamo ng isang working student ang sampung pulis mula Angono, Rizal matapos umano siyang ilegal na arestuhin at pagnakawan. Ayon sa biktima, pinilit siya ng mga pulis na umaming sangkot siya sa ilegal na droga. At kinikilan pa raw kapalit ng kaniyang kalayaan."

"Nagpapatrol, Karen Davila... ay! Karen De Guzman!" habol pa ni Karen.

Sa kaniyang X post, natatawang humingi ng paumanhin si Karen.

"OMG… ay… Karen De Guzman! Apologies," aniya.

Sa isa pang video, natatawang ipinaliwanag ni Karen ang mga nangyari.

"Alam mo 'yong para ka nang... automatic na 'yong utak mo, my gosh... Karen De Guzman," natatawa niyang paliwanag.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sorry po kung inulit ko pero super havey."

"Hahahahahahaha ang cute ni Miss Karen"

"Dear mali ka..."

"Hanggang ngayon di ko na naiintindihan yung news dahil tawang tawa pa rin ako."

"Kaya pa mam? @iamkarendavila HAHAHAHAHA! Pag si Karen De Guzman field reporter bigay niyo kay Ate B or kay Alvin. Haha. Karen na kasi tapos D pa yung last name. Ang cute niyo po. 'Nagpapatrol, Karen Davila.' - Karen Davila."

Bagay na sinang-ayunan naman ang award-winning ABS-CBN broadcast journalist.

"Exactly," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Karen Davila/X