February 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Laki ng afam, tigas ng Pinoy: Anne sa 'd*ck size' ni Erwan, 'I can confirm!'

Laki ng afam, tigas ng Pinoy: Anne sa 'd*ck size' ni Erwan, 'I can confirm!'
Photo courtesy: Screenshot from Ang Walang Kuwentang Podcast (YT)/Anne Curtis (IG)

Kinaaliwan ng mga netizen ang naging pagsagot ni "It's Showtime" host at "Dyosa ng Philippine Showbiz" na si Anne Curtis-Heussaff sa pang-uurirat sa kaniya nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac patungkol sa mister na si celebrity restaurateur at content creator na si Erwan Heussaff.

Sa latest episode ng "Ang Walang Kuwentang Podcast," nabanggit nina Direk Antoinette at JP ang tungkol sa naging viral na sagot ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban tungkol sa naging karanasan niya sa pakikipagtalik sa isang foreigner, kung saan nagulat daw siya nang makita ang laki ng "nota" nito.

Kaya naman, pinapa-confirm ng dalawa kay Anne kung totoo bang may "kalakihan" ang kargada ng mga lalaking may dugong foreigner, kagaya na lang ni Erwan.

Kung si Anne ay half Filipina at half Australian, si Erwan naman ay half-Filipino at half-French. Kapatid siya ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff, na kaibigan naman ni Anne.

Tsika at Intriga

‘I can buy you, your friends, and this club!' Anne, may nilinaw tungkol sa controversial iconic line

Kaya nang ma-brought up na nga ang tungkol sa usaping size sa mga lalaki, tawang-tawa na lang si Anne lalo na sa reaksiyon ng live audience.

Muli namang binanggit ni Direk JP ang nabanggit ni Angge na para sa kaniya, ang best notabels daw ay may "laki ng afam" at may "tigas ng Pinoy."

At since si Erwan nga ay may dugong Pinoy at afam, pinapa-confirm ng dalawang hosts kay Anne kung totoo ba ang sinabi ni Angelica, na isa rin sa mga kaibigan niya.

Tawang-tawa naman si Anne bago tuluyang sumagot.

"Ah... ang masasabi ko lang, I can confirm," aniya, na ikinatawa nilang lahat.

Matapos nito, naungkat na ang mga naging ex-boyfriend ni Anne sa showbiz kagaya na lamang nina Chubi Del Rosario, Oyo Boy Sotto, Richard Gutierrez, at Sam Milby.

Pagkatapos ng naging relasyon kay Sam, dito na pumasok sa eksena si Erwan, at siya na nga ang huli at pinakasalan ni Anne.