February 10, 2026

Home BALITA National

Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, natanggap na ng opisina ni HS Dy

Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, natanggap na ng opisina ni HS Dy
Courtesy: Leila de Lima/FB, MB FILE PHOTO

Nasa opisina na ni House Speaker Faustino "Bojie" Dy III ang ikatlong impeachment complaint na inihain ng religious groups laban kay Vice President Sara Duterte, nabatid nitong Martes, Pebrero 10. 

Kinumprima ni House Secretary General Cheloy Garafil na na-transmit ang naturang complaint noong Lunes ng gabi, Pebrero 9 . 

"I confirm that my office formally transmitted the third impeachment complaint against Vice President Sara Duterte to the office of Speaker Faustino 'Bojie' G. Dy III early Monday night, in accordance with the Constitution and the Rules of the House of Representatives," ani Garafil.

Dagdag pa niya, "I emphasize that the role of the Office of the Secretary General in impeachment proceedings is strictly ministerial. My office is tasked only with the receipt, verification, and transmission of impeachment complaints and their endorsements."

National

'Pag ayaw, maraming dahilan!' Akbayan, bumwelta kay Sen. Marcoleta tungkol sa KIG

Matatandaang noong Lunes lang din nang ihain ng grupo ng kaparian, mga madre, at Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang ikatlong impeachment complaint laban sa bise presidente.

Si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang nag-endorso ng naturang reklamo na tinatayang may 98 pahina na isinumite sa House Secretary General.

Maki-Balita:  Grupo ng mga pari, madre at mga abogado, inihain ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara

Noong Pebrero 2 naman nang unang inihain ng Makabayan Bloc ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay VP Sara matapos ang one year ban. Nasundan naman ito ng paghahain ng civic society ng ikalawang impeachment complaint sa kapareho ring araw.

KAUGNAY NA BALITA: 'Round 2!' Makabayan bloc, naghain ng impeachment complaint vs VP Sara

Habang noong Biyernes, Pebrero 6 nang kumpirmahin ni House Secretary General Cheloy Garafil na tuluyan niya nang nai-transmit sa Office of the House Speaker ang unang dalawang impeachment case laban kay VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: Uusad kaya? Impeachment complaints kay VP Sara, isinumite nasa Office of the House Speaker

Kaugnay nito, nauna nang maglabas ng pahayag si VP Sara at tahasang pinalagan ang mga akusasyong muling ibinabato sa kaniya.

“Hindi na ito bago. Matatandaan na ang impeachment laban sa akin ang naging sagot nila sa aking pag-alis sa Gabinete—isang hakbang na isinagawa dahil hindi na maipaliwanag ng Pangulo ang patuloy na pagkalugmok ng bayan sa kahirapan dulot ng kanyang kapabayaan at bisyo,” ani VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: 'Di na ito bago!' VP Sara, umalma sa bagong impeachment complaint sa kaniya