Sa unang pagkakataon, nilinaw ni "It's Showtime" host at "Dyosa ng Philippine Showbiz" na si Anne Curtis na hindi raw totoong sinabi niya ang iconic lines na “I can buy you, your friends, and this club" sa kinasangkutang intriga noong 2013 na halos magwasak sa showbiz career niya noon.
Sa kamakailang episode ng "Ang Walang Kwentang Podcast" hosted by Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, naibahagi ni Anne ang tungkol sa nabanggit na intriga nang maisalaysay niya naman kung saan sila nagkakilala ng mister na si celebrity restaurateur at content creator Erwan Heussaff.
Unang nagkita sina Anne at Erwan sa isang bar, nang isama at ipakilala siya sa kaniya ng kapatid nitong si Solenn Heussaff na kaibigan naman ni Anne.
Nang mga sandaling iyon ay matagal na namalagi si Erwan sa Russia, at nang magkita nga raw sila sa bar, dito na sila nagsimulang magkausap hanggang sa umabot na rin sa video conferencing.
Kaugnay na Balita: Laki ng afam, tigas ng Pinoy: Anne sa 'd*ck size' ni Erwan, 'I can confirm!'
Dito ay natanong ni Direk JP kung dito ba nanggaling ang "iconic lines."
Since matagal na nga itong nangyari, ikinuwento ni Anne kung paano nabuo ang desisyon niyang akuin ang nasabing linya kahit hindi naman talaga niya ito nasabi.
Naging viral ito noong 2013 matapos ang isang umano'y insidenteng kinasangkutan niya at ni John Lloyd Cruz, bagay na nagbunsod upang maging isa ito sa pinakasikat na meme sa social media sa loob ng mahigit isang dekada.
Parehong ABS-CBN stars sina John Lloyd at Anne at nagkasama sa seryeng "Maging Sino Ka Man" kasama sina Bea Alonzo at Sam Milby, noong 2006 hanggang 2008 dahil may book 2 pa.
Ayon kay Anne, personally, tinanong niya ang mga kaibigan tungkol sa pangyayari, lalo na dahil nais niyang makapagbigay ng maayos na paghingi ng paumanhin sa mga taong nadamay. Pero sabi raw ng friends niya, hindi raw niya talaga sinabi iyon.
"Sinabi ko ba talaga yun? So that I can own up to it kung sinabi [ko]. Sabi ng mga friends ko, ‘No, you didn’t say it.’ Sabi ko, ha? All this time? But you know what, it’s so iconic now [that] I’m gonna own it," anang Anne.
Gayunman, dahil sa patuloy na pag-ikot ng linya sa online space at patok na patok na memes, napagpasyahan ng aktres na yakapin na lamang ito.
“Kaya nga sabi ko, you know what? It’s so iconic now that I’m just gonna own it. Yeah, I said it,” aniya.
Hindi rin lingid kay Anne na patuloy pa ring ginagamit ng netizens ang nasabing linya, lalo na tuwing may proyekto o public appearance siya. Ngunit giit niya, hindi na siya naaapektuhan nito.
Kahit daw kasi magpaliwanag siya, siguradong hindi naman daw papaniwalaan ng mga tao kaya mas pinili na lang daw niyang manahimik nang mga panahong iyon.
“Kasi at that point, anything I would’ve said parang it wouldn’t have mattered. Maraming nangyari sa gabing 'yon na hindi ko na lang sinabi kasi parang it makes no point bakit ako maglalaglag pa ng tao––bakit pa? Okay na 'yon. Okay naman kasi tingnan mo, bliness ako ni Lord nang bongga sa nangyari,” aniya pa.
Sa kabilang banda, inamin ni Anne na noong kaputukan ng isyu, hindi raw talaga siya nagbubukas ng social media, partikular sa Twitter (dating pangalan ng X).
Sa kabilang banda, natuklasan at nakilala rin ni Anne kung sino ba ang mga tunay niyang kaibigan. Nakatulong daw sila para kahit paano, maibsan ang anxiety na naramdaman niya nang mga sandaling iyon.
“Sobrang naging importante sa akin na meron kang core group. At the heat of that, talagang parang feeling mo wala ng gustong makipag friends sa 'yo kasi grabe na––it was all over," saad pa ni Anne.
"Sobrang mahalaga na 'yong mga friends ko––that’s when I found out who my real friends were kasi pinupuntahan nila ako,” aniya pa.
Kaya naman nagpasampol pa si Anne sa pagbigkas ng nabanggit na iconic lines.
"I can buy you, your friends, and this club!" aniya.