February 10, 2026

Home BALITA National

De Lima 'di pa nawawalan ng pag-asa, tiwalang 'winnable' si Mayor Leni sa 2028!

De Lima 'di pa nawawalan ng pag-asa, tiwalang 'winnable' si Mayor Leni sa 2028!
Photo courtesy: Rep. Leila De Lima (FB), MB FILE PHOTO

Tila hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima na magbabago ang desisyon ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo para tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na Halalan 2028. 

Ayon sa naging pahayag ni De Lima nitong Martes, Pebrero 10, sinabi niyang si Robredo ang sa tingin niyang “winnable” na opposition candidate para sa parating na halalan. 

“We’re not losing hope na magbabago pa ang desisyon ni VP Leni na tumakbo ulit sa 2028,” pagsisimula niya, “Because for me, she’s the most winnable among opposition to possible, or potential opposition candidate.” 

Ani De Lima, hindi raw nagawang manalo ni Robredo noon sa posisyon ng pagiging Pangulo dahil nagsama ang puwersa ng mga Marcos at Duterte. 

National

'Pag ayaw, maraming dahilan!' Akbayan, bumwelta kay Sen. Marcoleta tungkol sa KIG

Ngunit nakita na raw umano ngayon ng taumbayan kung paano pinanalalakad ng kasalukuyang mga pinuno ng bansa ang pamahalaan. 

“Alam n’yo, kasi noon ‘di ba, she didn't make it kasi nag-unite ‘yong Marcos and Duterte forces. And we have seen what is happening, we have seen how this country is being run, we have seen all corruption issues being there,” aniya. 

Pahabol niya, “It affects both sides.” 

Pagpapatuloy ni De Lima, pagkakataon na raw ng mga hindi bumoto noon kay Robredo na suportahan ito dahil sa kakayahan nitong magsulong ng malinis at mabuting pamamahala. 

“Ngayon, siguro naman, ‘yong mga hindi bumoto kay VP Leni noon ay pagkakataon nila para mag-reflect ulit na sa pangyayari ngayon—sa takbo ng ating ekonomiya, sa takbo ng overall state ng ating bansa [o] ng national affairs, we need somebody like VP Leni Robredo who’s not only clean but very capable at ‘yong kaniyang advocacy talaga ay clean and good governance,” aniya.  

“Kapag mayroong clean and good governance, mababawasan significantly, I’m not saying na mawawala na ang korapsyon—but at least it would significantly reduce for sure kapag ang isang leader ay tunay na pinapairal ang clean and good governance,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, habang kasama si De Lima, inilarawan din ni award-winning actress Nadine Lustre si Robredo bilang “best candidate for presidency.”

KAUGNAY NA BALITA: Nadine Lustre kay Leni Robredo: ‘Best candidate for the presidency!’

Ani Nadine, “Definitely, yes. No question about that.”

Dagdag pa niya, “For me, she’s really the best candidate for the presidency. I supported her way, way back when she ran for the first time. So definitely, I would support her again.”

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon, tugon, o pahayag si Robredo kaugnay sa mga ito. 

Matatandaang minsan nang nanawagan kay Robredo ang ilang indibidwal kabilang na ang noo’y running mate niya sa pagka-Bise Presidente na si Sen. Kiko Pangilinan para muling tumakbong pangulo sa 2028 elections.

MAKI-BALITA: Pangiilinan umapelang kumbinsihin si Robredo para tumakbo muling pangulo

MAKI-BALITA: 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!

Mc Vincent Mirabuna/Balita