February 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51
Photo courtesy: Philippine Coast Guard (FB)

Umakyat na sa 51 ang bilang ng mga nasawi ngayong Martes, Pebrero 10, mula sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3, kamakailan. 

Base sa latest update ng Philippine Coast Guard (PCG) nito ring Pebrero 10, limang bangkay ang narekober ng PCG Technical Diving Group (TDG) sa nagpapatuloy na “search and rescue” operations. 

Ang mga nasabing bangkay ay agad nilang na-secure at ibiniyahe patungong Zamboanga City Port para sa pagkakakilanlan at maayos na disposisyon, katulong ang Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office (ZCDRRMO).

Sa panayam ni PCG Spokesperson, Captain Noemie Cayabyab PCG, sa media noong Lunes, Pebrero 9, ibinahagi niya na nakahilig ang MV Trisha Kersten 3, nang matagpuan nila sa katubigan ng Baluk-Baluk Island, Basilan. 

Probinsya

Buntis na dugong, natagpuang patay sa dalampasigan ng GenSan

Bagama’t malaki ang entrada, maingat daw itong sinusuyod ng technical divers dahil kaunting galaw lang daw ay posibleng magkaroon ng pagbabago sa posisyon ng sasakyang-pandagat. 

Aniya pa, magpapatuloy ang “search and rescue” operations sa mga susunod na araw para mabusising masuyod ang bawat parte ng lumubog na MV Trisha Kersten 3. 

Matatandaang natagpuan ang sasakyang-pandagat sa 1.8 nautical miles off Baluk-Baluk Island, Basilan, noong Miyerkules, Pebrero 4, at patuloy na umaasa ang PCG na makakapagrekober pa sila ng ilan pang survivors at mga bangkay. 

MAKI-BALITA: PCG, umaasang may marerekober pang survivors at mga bangkay mula sa MV Trisha Kerstin 3

Matatandaan din na Lunes, Enero 26, nang mai-ulat ang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3, at noon ding araw na ito iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasagawa ng isang “full-blown investigation” sa mga pangyayari na nagdulot ng trahedya. 

MAKI-BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3

Sean Antonio/BALITA