February 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sofia Trazona, di pa rin maayos relasyon sa inang si Izzy

Sofia Trazona, di pa rin maayos relasyon sa inang si Izzy
Photo courtesy: Andrei Trazona (FB)

Inilahad ni Sofia Trazona na nananatiling “unresolved” ang relasyon niya sa kaniyang ina at dating SexBomb member na si Izzy Trazona-Aragon. 

“[S]a lahat ng nag message sa akin, no. [D]i na po kami nagkikita ni mama,” saad ni Sofia sa isang X post noong Lunes, Pebrero 9, bilang sagot sa tanong ng followers niya hinggil sa estado ng relasyon niya sa inang si Izzy. 

Aniya, natatakot rin daw kasi siya sa magiging reaksyon ng ina kapag nagkita sila muli, ngayong transwoman na siya.

“[I] also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue,” saad ni Sofia. 

Tsika at Intriga

'These are political families' Edu Manzano, nagpatutsada sa insidente ng dayaan umano sa golf tournament

“[I] just want validation and acceptance. Wala [nang] iba,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Sofia na dahil sa nananatiling “unresolved relationship” sa ina, hindi na rin daw siya nakakapunta sa family events sa side nito tulad ng birthdays at mga reunion.

“[I]t’s honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom’s side, even birthdays kase whenever pumupunta ako lagi lang akong pinag-uusapan and pinagkakaisahan,” aniya. 

Samantala, wala pang pahayag si Izzy tungkol dito.

Matatandaang naging mainit na isyu ang ibinahaging long message ni Izzy tungkol sa pagiging drag queen ni Sofia noong Setyembre 2023. 

Aniya, lubos ang pagmamahal niya sa anak para hindi siya maging supportive sa mga ginagawa niya. 

MAKI-BALITA: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

KAUGNAY NA BALITA: Aira Bermudez, Sugar Mercado pinayuhan si Izzy Trazona

Sean Antonio/BALITA