February 10, 2026

Home BALITA National

'Always be pro-PH!' Palasyo, nanindigan sa kabila ng debatehan ng Senado sa WPS

'Always be pro-PH!' Palasyo, nanindigan sa kabila ng debatehan ng Senado sa WPS
Photo courtesy: PCO (FB), Senate of the Philippines (FB)

Nagbigay ng komento ang Malacañang kaugnay sa tindig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) at sa kabila ng tila mainit na debatehang nagaganap sa Senado. 

Ayon sa isinagawang press briefing ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro nitong Martes, Pebrero 10, naurirat siya ng media tungkol sa usapin ng umano’y mataas na tensyon sa WPS at mainit na debatehan ng mga mambabatas sa Senado sa nasabing teritoryo ng bansa. 

Ani Castro, dapat daw na manatiling pro-Philippines ang lahat ng mga Pilipino sa kabilang ng iba’t ibang mga debateng nagaganap kaugnay sa WPS. 

“Iba po kasi ang nangyayari sa Senado—iba po ang nangyayaring debatehan sa kanila, iba rin po ang nangyayari sa debate ng mga kapuwa nating Pilipino,” aniya. 

National

'Pag ayaw, maraming dahilan!' Akbayan, bumwelta kay Sen. Marcoleta tungkol sa KIG

Diin niya, “Of course, being a Filipino, we should always be pro-Philippines.” 

Saad ni Castro, naninindigan umano si PBBM na dapat walang anomang bahagi ng Pilipinas ang maangkin ng kapangyarihan ng mga dayuhan. 

“Alam nila at batid nila kung ano ang stands ng Pangulo, kung ano ang [kaniyang] posisyon. Walang anomang bahagi ng Pilipinas ang dapat mai-surrender sa anomang foreign power,” ‘ika niya. 

“Doon naman po talaga lahat tayo lumilinya,” pahabol pa niya. 

Pagpapatuloy niya, bagama’t hindi na raw sakop ng Pangulo kung anoman ang napagdedebatehan ng mga mambabatas sa Senado ay malinaw raw ang paninindigan nito tungkol sa mga usapin sa executive department. 

“Kung anoman po ang nangyayaring mainit na debatehan sa Senado, hindi nga po ‘yan sakop ng Pangulo,” paglilinaw niya. 

“Pero kapag po executive department ang pinag-usapan, iisa lang po ang stands natin,” pagtatapos pa ni Castro. 

MAKI-BALITA: Matapos bantaang ibabala sa kanyon vs. China: PCG spox Tarriela, bumwelta kay Rep. Marcoleta

MAKI-BALITA: 'They kept replying!' Chinese Embassy, parang isang troll farm—Sen. Risa

Mc Vincent Mirabuna/Balita