Pinasinungalingan ng Department of Education (DepEd) ang mga umano’y kumakalat na mga anunsyong suspensyon ng mga klase dahil sa Nipah virus.
“Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano'y suspensyon ng face-to-face classes dahil sa Nipah virus,” saad ng DepEd sa Facebook post nila nitong Lunes, Pebrero 9.
Paalala ng ahensya sa publiko na iwasang mag-follow ng mga page na nagbabahagi ng mga maling impormasyon at agad itong i-report para maiwasan ang lubos pang pagpapakalat ng fake news.
Anila pa, para sa mga anunsyo at impormasyon tungkol sa basic education, tiyaking official social media accounts lamang ng DepEd Philippines ang isangguni ng publiko.
Matatandaang tiniyak ng Department of Health ang mga Pinoy na wala pang naitatalang kaso ng Nipah virus sa bansa, at kung magkakaroon man, may sapat na kahandaan ang bansa para tugunan ito.
MAKI-BALITA: Don't worry! Pilipinas, handa sa Nipah virus—DOH
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang kumakalat na ‘Nipah Virus’ sa iba’t ibang bansa?
Sean Antonio/BALITA