February 09, 2026

Home BALITA Probinsya

‘State of Calamity,’ itinaas sa Surigao del Sur dahil sa pinsala ng bagyong Basyang!

‘State of Calamity,’ itinaas sa Surigao del Sur dahil sa pinsala ng bagyong Basyang!
Photo courtesy: Gov. Johnny T. Pimentel (FB)

Idineklara ang “State of Calamity” sa lalawigan ng Surigao del Sur nitong Lunes, Pebrero 9, bunsod ng pinsalang dulot ng bagyong Basyang. 

Base sa resolusyon na inilabas ng lalawigan, tinatayang 89,816 pamilya o 336, 671 indibidwal na naninirahan sa 249 barangay, at tinataya rin na 101, 324 indibidwal ang nawalan ng bahay, dahil sa pagdaan ni Basyang sa bansa noong Huwebes, Pebrero 5. 

Dahil rin sa mabilis na pagtaas ng baha kasabay ang malakas na pagragasa nito, nakapagtala ng ilang insidente ng pagguho ng lupa at pagkasira ng mga daan sa Surigao del Sur, partikular sa mga munisipalidad ng Cantilan, Madrid, Lanuza, Cortes, Tandag City, Tago, San Miguel, at Bayabas. 

Bukod pa rito, inilahad din sa resolusyon ang naitala nilang mga nasawi dahil sa bagyo, na isang 10-taong gulang, na nalibing sa landslide, sa Tigao, Cortes; at isang 53-anyos na babae, na nasawi dahil sa pagragasa ng baha sa Carmen. 

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Ani pa rito, base sa latest update nila noong Linggo, Pebrero 8, tinatayang 434 kabahayan na ang naitalang nasira. 

Ang deklarasyon ng “State of Calamity” sa lalawigan ay makatutulong para sa mabilisan na dating ng relief, recovery, at rehabilitation efforts ng pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur, alinsunod sa Republic Act (RA) 10121. 

Photo courtesy:  Gov. Johnny T. Pimentel (FB)

Sean Antonio/BALITA