Iginiit ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na galing mismo sa bunganga raw ni Vice President Sara Duterte ang ebidensya sa mga alegasyon sa kaniya sa tatlong impeachment cases na inihain laban sa kaniya.
Sa panayam ng media kay De Lima nitong Lunes, Pebrero 9, 2026, kasunod ng pag-endorso niya ng ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, inungkat niya ang naging kontrobersyal na pahayag noon ng Bise Presidente hinggil sa pagbabanta umano nito sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
“Ang pinakaebidensya yung galing mismo sa kaniyang bunganga! Right from her mouth!” ani De Lima.
Paliwanag pa niya, “Na kitang-kita na yung video kung saan ginawa niya yung threat na 'yon, yung plot to assassinate those three officials or those three individuals.”
Inihayag din ni De Lima ang mas marami pa raw na ebidensyang magpapatunay sa mga anomalya ni VP Sara.
“So, andiyan from her own mouth, from herself, from legislative records, from audit findings-official of audit findings, liquidation vouchers, and ang nakadagdag yung resource statement ni Ramil Madriaga,” anang mambabatas.
Matatandaang nitong Lunes nang ihain ng grupo ng kaparian, madre at Integrated Bar of the Philippines (IBF) ang ikatlong impeachment case laban kay VPS ara.
Bitbit ng grupo ang mga reklamong culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, plunder, malversation, bribery, graft at corruption laban kay VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: Grupo ng mga pari, madre at mga abogado, inihain ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara
Samantala, hindi na nagbigay ng mahabang pahayag ang kampo mni VP Sara hinggil sa ikatlong impeachment at iginiit na sasagutin na lamang daw nila ang mga akusasyon, sa tamang proseso.
For now, we will continue to closely monitor developments and address these complaint through the appropriate constitutional processes," saad ng kampo ni VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: Anticipated na! Kampo ni VP Sara, walang hanash sa ikatlong impeachment complaint