February 09, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lady driver na umararo sa resto ni Matteo, gas natapakan sa halip na brakes

Lady driver na umararo sa resto ni Matteo, gas natapakan sa halip na brakes

Muling nagbigay ng mas malinaw na detalye ang aktor, TV host, at negosyanteng si Matteo Guidicelli hinggil sa nangyaring aksidente sa al fresco area ng kaniyang Italian restaurant sa Muntinlupa City noong Linggo ng hapon, Pebrero 8, na mapalad na walang mga bisita o staff members na nasaktan.

Sa inupload na video sa social media, tila nagbabalitang ipinakita ni Matteo ang matinding pinsala sa al fresco area ng nabanggit na restaurant, kung saan makikitang naroon pa ang puting SUV na umararo dito.

Malaki raw ang pasasalamat ni Matteo na walang tao nang maganap ang aksidente.

"We’re very thankful that there were no more guests here around because 12:00 nn to around 2:00 pm, we were full house outside. We are very blessed that God was with us. Wala nang tao when this happened,” anang Matteo.

Tsika at Intriga

'I choked, lost consciousness!' Ogie Alcasid muntik mategi nang mabulunan

Bukod sa al fresco area, mga upuan at dining table na narito, kasama rin sa mga nawasak sa nabanggit na car accident ang pizza oven ng resto, pati na ang converted stock room kung saan nagpapahinga ang dalawa sa staff members niya.

Agad daw dinala ang dalawa sa ospital upang ipasuri sa mga manggagamot matapos ang aksidente. Wala naman daw masamang nangyari sa kanila.

Nang mangyari ang aksidente, agad daw tiningnan ni Matteo ang gearbox ng sasakyan. Aniya, may presence of mind pa rin ang driver dahil nagawa pa niyang ilagay sa "park" ang sasakyan.

Nilinaw rin ni Matteo na hindi lasing ang driver ng sasakyan, na inilarawan pa niya bilang "very innocent, beautiful lady."

“She’s a very innocent, beautiful lady that just panicked, blacked out, and pressed on the gas instead of the brakes,” aniya.

“That’s what happened. It can happen to anybody out there. Young, old, male, female – it can happen to anyone.”

Kaya naman, paalala ni Matteo sa lahat na ang lesson na puwedeng makuha rito, maging alerto at aware sa mga nangyayari sa paligid upang maiwasan ang mga aksidenteng kagaya nito.

"I think the lesson here is [to] always be aware. Watch your surroundings and be careful all the time because this can happen anywhere."

"If you guys are eating wherever or walking anywhere, just be aware. Be attentive to your surroundings,” aniya pa.

Hindi naman nabanggit ni Matteo kung magsasampa ba siya ng kaso laban sa lady driver.