February 15, 2026

Home SHOWBIZ

Jodi Sta. Maria sa sweet pics ni Iwa Moto at asawa nito: 'Ready na ang gown ko ha?'

Jodi Sta. Maria sa sweet pics ni Iwa Moto at asawa nito: 'Ready na ang gown ko ha?'
Photo courtesy: Jodi Sta. Maria/IG, Iwa Moto/IG


Nagbitaw ng isang makahulugang hirit ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa sweet photos ng aktres na si Iwa Moto kasama ang asawa nitong si Pampi Lacson.

Sa Instagram (IG) post na ibinahagi ni Iwa kamakailan, mababasang sinabi ni Iwa na sweet daw siya kay Pampi dahil papalapit na ang selebrasyon ng Valentine’s Day.

“The man who owns my heart. The father of my children. The love of my life….sweet ako mahal kasi malapit na valentines. After valentines d na tayo bati uli…hahaha. I love you mahal @iampampi,” saad ni Iwa.

“Kidding aside i love you mahal. To infinity and beyond,” dagdag pa niya.

Maiispatan naman sa comment section ng nasabing post ang komento ni Jodi sa mga litratong ibinahagi ni Iwa at Pampi.

“Sweet nyo…ready na ang gown ko ha?” komento ni Jodi. 

Photo courtesy: Iwa Moto/IG

Sagot naman ni Iwa, wala pa raw at tiyak na si Jodi ang makakaalam kung sakali man.

“@jodistamaria huyyy wala pa amor…alam mo naman ikaw ang isa sa mga mauunang makakaalam…." ani Iwa.

Photo courtesy: Iwa Moto/IG

Matatandaang si Pampi Lacson ang kasalukuyang asawa ni Iwa, na siya namang dating karelasyon ni Jodi.

Vincent Gutierrez/BALITA

'Let the President do his job' kuda ni Sharon, umani ng reaksiyon