Muling nagtala ng kaniyang new-career high bilang rank 40 sa Women’s Tennis Association (WTA) ang Filipino professional tennis player na si Alex Eala.
Ayon ito sa bago na niyang rank na makikita sa website ng WTA nitong Lunes, Pebrero 9, kung saan ika-rank 40 na si Alex sa mundo ng tennis.
Screenshot mula sa website ng WTA.
Matapos itong kamakailang naging laban ni Alex sa Mubadala Abu Dhabi Open sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) mula nitong Pebrero 1 hanggang Pebrero 7, 2026.
Natalo ni Eala sa round of 32 ng Mubadala Abu Dhabi Open ang world rank 85 noon at pambato ng Türkiye na si Zeynep Sonmez sa sets score na 6-4, 6-3, habang natalo rin niya ang Belarusian at rank 109 noon na si Aliaksandra Sasnovich sa sets score na 2-6, 6-4, at 7-6.
Samantala, nalaglag naman si Eala nang makatapat niya sa quarterfinals ng nasabing event ang rank no. 11 at pambato ng Russia na si Ekaterina Alexandrova sa sets score na 3-6, 3-6.
Matapos nito, nakatakda namang rumatsada si Eala ngayong Lunes, Pebrero 9, 2026, sa WTA 1000 Qatar Open kung saan una niyang makakatapat ang pambato ng Czech Republic na si Tereza Valentová na kasalukuyang world rank no. 48.
Matatandaang umarangkada agad sa mahigit isang linggo pa lang na simula ng taon ang Eala matapos nitong makamit ang bagong career-high niya sa WTA bilang rank 49 noong Enero 12, 2026.
MAKI-BALITA: New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA
MAKI-BALITA: Mel Tiangco, pumalag mismo; Alex Eala, inisyung ininsulto!
Mc Vincent Mirabuna/Balita