February 09, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Bakit kailangan ang ‘digital decluttering’ para sa maayos na online space

ALAMIN: Bakit kailangan ang ‘digital decluttering’ para sa maayos na online space
Photo courtesy:Pexels

‘Digital Decluttering is the new norm.’ 

Maririnig ng marami sa social media ng Gen Zs ang mga katagang ‘digital declutter’ o paglilinis ng digital space, katulad ng social media accounts para sa improvement ng digital well-being.

Katulad ng nakasanayang paglilinis at pagliligpit ng mga gamit sa bahay, ayon sa mga eksperto, ang digital decluttering ay paraan para matulungan ang sarili na mag-relieve ng stress at pagkabalisa dulot ng mga gulo at kalat. 

Saad sa pag-aaral ng Cleveland Clinic Newsroom, ang digital decluttering ay nagdudulot para mabigyan ng kalinawan at “sense of productivity” ang isang indibidwal para matapos ang mga bagay-bagay, bukod sa adisyunal na storage. 

Human-Interest

ALAMIN: Iba’t ibang sex positions para tumagal sa kama

Sa dagdag na pag-aaral ng Brandeis University, ang digital decluttering ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan: 

1.  Pag-delete ng mga hindi na kinakailangang files

Suyurin ang file folders at tukuyin kung ano rito ang mga matagal nang nasa storage file at hindi na nabubuksan o hindi na kailanman bubuksan. 

Kasama rin dito ang pag-delete ng duplicate o outdated versions ng kaparehang document. 

2. I-organize ang files sa iba’t ibang folder at pangalanan ito 

Layon nitong mas mapadali ang paghahanap ng files at maiwasan ang pagkalito at pagkagulo ng mga naayos nang file storage. 

3. Pag-unsubscribe sa email ads o newsletters na hindi na binabasa

Layon nitong maiwasan ang spam at unread messages sa email na nakatambak at kumakain lang ng storage kasama ang mga importanteng email entries. 

Kabilang rin dito ang spam at archived emails at regular na pag-delete sa trash folder. 

4. Pag-delete ng mga litrato at video sa phone o laptop gallery 

Mapa-screenshot man ito, memories kasama ang ex, o kaya’y blurry photos o videos, mainam na matanggal ito sa gallery para mas magbigay ng storage space sa ilan pang mas importanteng file o app. 

Kaya para sa maayos at malinis na digital space, mahalagang itanong sa sarili kung ang kasalukuyan bang posts sa social media feed ay nagdudulot ng encouragement o nakakadagdag ng kaalaman. 

Dahil kung hindi at bagkus ay nagdudulot pa ng insecurities, pagkabalisa, o kaya’y nagpapakalat lang ng mga maling impormasyon, marahil ay mas makakaigi ang digital decluttering para mapanatiling “safe place” ang digital space. 

Sean Antonio/BALITA