February 08, 2026

Home SHOWBIZ Events

‘Sa wakas!’ Sugar Mercado, Izzy Trazona lumitaw sa concert ng SexBomb Girls

‘Sa wakas!’ Sugar Mercado, Izzy Trazona lumitaw sa concert ng SexBomb Girls
Photo Courtesy: Sugar Mercado (FB)

Muling nakompleto ang buong miyembro ng SexBomb Girls sa kanilang rAWnd 4 Get Get Aw concert na ginanap na sa SM Mall of Asia (MOA) Arena noong Sabado, Pebrero 7.

Sa isang Facebook post ni SexBomb Girls member Sugar Mercado noon ding Sabado, ibinahagi niya ang group photo nila.

“Yehey! Sa wakas nagkasama-sama din kami with ate Izzy pa. Thank you Lord nakukompleto na kami! ” saad ni Sugar.

Ito ang unang onstage appearance ni Izzy simula noong mag-umpisa ang reunion concert iconic ng nasabing Nation's girl group.

Events

Ina ni BINI Maloi, kinilig matapos makasama ng anak si Rochelle Pangilinan

Matatandaang noong Disyembre 2025 ay inurirat ng isang netizen si Izzy tungkol sa kawalan umano nito ng presensiya sa naunang mga concert ng kaniyang mga kagrupo.

Kaya naman hindi na rin nakatiis pa si Izzy at sinagot ang intrimitidang netizen.

"I miss them. But  I want to stay on the path where God is leading me. Respect po lalo 'pag hindi alam ang lahat po."

Samantala, pasabog din ang naging handog ng SexBomb Girls sa kanilang fans noon rAWnd 3 ng kanilang concert kamakailan matapos ang collaboration nila sa BINI.

Maki-Balita: Unexpected collab! BINI, bumulaga sa rAWnd 3 concert ng SexBomb Girls!