“Will you marry me, again?” ito ang tanong ng actor-dancer na si Joshua Zamora sa asawang si SexBomb Jopay, na nagpahiyaw sa buong arena noong Sabado, Pebrero 7.
Makikita sa ilang reshared reels ni Joshua sa kaniyang Instagram na matapos ang makapigil-hiningang solo ni Jopay, naka-ready siyang lumuhod sa gilid ng stage, kasama ang dalawa nilang mga anak, at dito inilabas ang singsing.
“My babas, will you marry me again?” ani Joshua, na nagpa-iyak kay Jopay.
Matapos ang sweet moment nina Joshua at Jopay, ipinakilala pa nila ang mga anak sa fans sa kanilang “rAWnd 4” concert.
“Maraming salamat, Babas. Kasi si Joshua, ang daming pinagdaanan, diba ‘yong tuhod ko. Lagi siyang nakasuporta sa akin. Thank you so much, thank you, Lord,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Jopay, kung saan, yinakap rin niya ang asawa.
KAUGNAY NA BALITA: Matapos mapuruhan ang ulo: Jopay inoperahan naman ang tuhod!
Ang nasabing proposal ay para sa magiging pangalawang kasal ng dalawa matapos sila unang ikasal noong 2014.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sinabihang pipitsuging babae!' Joshua, pinusuan sa pagtatanggol sa misis na si Jopay
Ang “rAWnd 4” concert ay ang ika-4 na major concert ng SexBomb Girls sa Mall of Asia Arena, kung saan bukod sa naganap na proposal, naging highlight din ang paglabas nina SexBomb Girls member Sugar Mercado at Izzy Trazona-Aragon.
MAKI-BALITA: ‘Sa wakas!’ Sugar Mercado, Izzy Trazona lumitaw sa concert ng SexBomb Girls
Sean Antonio/BALITA