February 08, 2026

Home SHOWBIZ Events

Pinalaki ng SexBomb para lumaban: Aira Bermudez, naaksidente sa buwis-buhay performance!

Pinalaki ng SexBomb para lumaban: Aira Bermudez, naaksidente sa buwis-buhay performance!
Photo courtesy: Aira Bermudez (FB)

Bumuhos ang pag-aalala para kay SexBomb Girls member Aira Bermudez matapos makaranas ng slight accident habang isinagawa ang buwis-buhay na performance, sa naganap na rAWnd 4 reunion concert ng nabanggit na iconic at phenomenal girl group.

Nagkalat sa social media ang video clips kung saan makikitang tila nangudngod si Aira sa sahig ng stage matapos daw na mabitiwan ng isa sa mga back-up dancer.

Nag-post din tungkol dito ang isa sa mga miyembro ng SexBomb na si Sugar Mercado, na sorpresa ring bumulaga sa ikaapat na installment ng reunion concert, kabilang ba si Izzy Trazona.

"Accident always happened. Praying for your speedy recovery Kapatid Aira Bermudez- Inovero. Di ka pababayaan in Lord," mababasa sa post ni Sugar.

Events

‘Sa wakas!’ Sugar Mercado, Izzy Trazona lumitaw sa concert ng SexBomb Girls

Sa isang Facebook post naman nitong Linggo, Pebrero 8, pinakalma ni Aira ang fans at sinabing nasa mabuti naman siyang kalagayan, at mukhang tutuloy pa siya sa rAWnd 5 na huling serye na ng kanilang concert nito ring Linggo.

"Keep moving forward," aniya.

"Bumagsak man ako kagabi at naaksidente pero babangon at lalaban tayo ngayon."

"I’m okay, nothing serious happened and I’m ready. The show must go on! See you later!"

"Hindi ako pinalaki ng SexBomb para bumawi— pinalaki ako para LUMABAN," aniya pa.

Anyway, mukhang nakaabang na rin ang lahat kung ano na naman ang pasabog ng SexBomb at kung sino-sino naman ang malakihang guest performers nila.