February 08, 2026

Home BALITA National

Mar Roxas kay PNoy: 'Happy Birthday in heaven, we miss you!'

Mar Roxas kay PNoy: 'Happy Birthday in heaven, we miss you!'
Photo courtesy: Mar Roxas (FB)

Nagpaabot ng simpleng pagbati at pag-alala si Mar Roxas para sa ika-66 na anibersaryo ng kaarawan ng yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Roxas ang isang mensahe kalakip ang throwback photo nilang dalawa ni PNoy, na aniya’y sumasalamin sa masasayang alaala nila ng dating pangulo.

“Good times: A coke, yosi and a smile. Happy birthday in heaven. We miss you,” ani Roxas sa kaniyang post.

Matatandaang naging malapit na kaalyado ni Aquino si Roxas sa ilalim ng Liberal Party noong panahon ng kaniyang administrasyon.

National

'Mga hari ng siomai' pumalag matapos madawit sa flood control scandal

Nagsilbi si Roxas bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kung saan pinangasiwaan niya ang mga repormang may kinalaman sa lokal na pamahalaan at kapayapaan at kaayusan.

Bagama’t natalo si Roxas bilang running mate ni Aquino sa 2010 presidential elections, nanatili ang kanilang matibay na ugnayan sa pulitika.

Noong 2016, si Roxas ang inendorso ni Aquino bilang standard bearer ng administrasyon sa halalan sa pagkapangulo.

Umani naman ng reaksiyon mula sa netizens ang pagbati ni Roxas, kung saan marami ang nagpahayag ng kanilang paggunita at pangungulila sa dating pangulo, na pumanaw noong 2021.

"What a spontaneous capture of two working leaders who had good chemistry between them. Happy Birthday, P/ Noy. You are remembered this day!"

"Sen./Sec. Mar would have been our President and a great one that time had he not given way to PNoy. It was almost in the bag for him (as Mr. Palengke was on top) until the abrupt turn of events. Well, things happen for a reason."

"We miss u Sir #MarRoxas Balik ka na. Nauntog na kmi. Happy bday in heaven to the best President ever."

"Happy Birthday President Noy. I miss your term. Mura ang gasolina, bigas at ang 2k ko na pang grocery puno na ang cart ko po."