February 08, 2026

Home BALITA Metro

Giit ni Torre: Walang nakakahiya sa paglalakad, pagbibisikleta!

Giit ni Torre: Walang nakakahiya sa paglalakad, pagbibisikleta!
Photo Courtesy: Nicolas Torre III (FB)

Isinusulong ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang pagbasag sa namamayaning stigma sa pagbibisekleta at paglalakad.

Sa latest Facebook post ni Torre nitong Sabado, Pebrero 8, sinariwa niya ang dalawang alaalang nagbigay ng reyalisasyon sa kaniya na umiiral ngang talaga ang nasabing stigma. 

Ayon sa MMDA Gen. Manager, noong nagsisilbi siyang Camp Commander sa Camp Karingal, Quezon City noong 2009, marami umano sa mga kasamahan niya noon sa QCPD na sumasakay pa ng tricycle mula Savemore papuntang kampo pagkababa ng Anonas kahit 200 hanggang 200 metro lang ang layo nito.

“Tinanong ko ang isang personnel: ‘Bakit hindi ka na lang maglakad?’ Sagot niya: ‘Sir, nakakahiya… baka isipin nila wala akong pera,’” lahad ni Torre.

Metro

Magtataho, pinagsasaksak sa Navotas

Dagdag pa niya, “Noong 2010 sa Camp Bagong Diwa, nagba-bike naman ako from QC to Bicutan (27–29km one way). At syempre, may asar din: ‘Wala ka na bang pambili ng gas? LtCol ka na, dugyot ka pa rin.’”

Kaya naman noon niya umano napagtantong hindi lang ito basta tungkol sa traffic; usapin din umano ito ng dignidad. 

“Walang nakakahiya sa paglalakad. Walang nakakahiya sa pagbibisikleta. Walking and biking are not signs of poverty — they’re signs of discipline and progress,” anang MMDA Gen. Manager.

Matatandaang nauna nang hinimok ni Torre ang ang mga manggagawang Pilipino na ikonsidera ang pagbibisikleta kapag papasok sa trabaho bilang alternatibong paraan ng transportasyon, sa gitna ng patuloy na diskusyon ukol sa pamamahala ng trapiko sa Metro Manila.

Maki-Balita: 'Bike to work,' isinusulong ni GM Torre

Sa  katunayan, sinubukan pa nga niyang magbisikleta papuntang opisina ng MMDA .

Maki-Balita: MMDA Gen. Mngr. Torre III, nagbisikleta papuntang MMDA office