Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad ang isang apat na buwang buntis na may edad 20 taong gulang, sa Barangay Masoc, Bayombong, Nueva Ecija kamakailan.
Ayon sa ulat ng pulisya, apat na sachet o 15 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa suspek—na may standard drug price na aabot sa ₱102,000.
Kasama rin sa narekober ng mga operatiba ang isang buy-bust money, cellphone, at mga drug paraphernalia.
Kasalukuyang nakapiit sa Bayombong Police Station ang nasakoteng suspek.
Samantala, dinala na rin sa Regional Forensic Unit 2 ng Santiago City, Isabela ang mga nasamsam na ebidensya para sa pagsusuri.
Nahaharap sa reklamo ang suspek matapos ang kaniyang paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Vincent Gutierrez/BALITA