February 09, 2026

Home BALITA Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey
Photo courtesy: Pixabay (for representation only)

Lumabas sa isang malawakang survey na higit 30% ng mga college student sa Amerika ang umaming gumagamit ng kanilang cellphone habang nakikipagtalik, isang indikasyon ng lumalalang pagkadepende ng mga Gen Z sa digital devices, ayon sa ulat ng New York Post.

Batay sa survey na isinagawa sa 100,000 estudyanteng may edad 18 pataas gamit ang social media platforms na YikYak at Sidechat, 35% ng mga respondent ang nagsabing nagte-text o nanonood sila ng video sa TikTok habang nasa gitna ng "bakbakan sa kama."

Ayon sa mga mananaliksik, nagpapakita ang resulta ng mas malinaw at mas masalimuot na larawan ng sexual life ng mga nasa college, at hindi ganap na sumusuporta sa ideyang nasa “sex recession” ang Gen Z.

Ipinaliwanag na ang karamihan sa mga ulat tungkol sa pagbaba ng sexual activity ay tumutukoy sa mga edad 22 hanggang 34, samantalang mas bata ang saklaw ng kasalukuyang survey.

Internasyonal

Driving company Waymo, gisado matapos matiklong may empleyadong Noypi

Bukod dito, 23% ng mga kalahok ang umaming nakipagtalik sila sa kanilang partner kahit naroon pa sa silid ang kanilang roommate, habang 72% naman ang nagsabing personal nilang nakilala ang kanilang kasalukuyan o pinakahuling karelasyon.

Dagdag pa rito, binanggit na ang mas matatandang Gen Z at young millennials ay naapektuhan ng pandemya ng COVID-19, kung saan ang remote learning at work setup ay nagbunsod ng kakulangan sa social interaction at pag-aalinlangan pagdating sa sex at relasyon.

Samantala, ipinakita ng datos na ang pagbabalik ng face-to-face na karanasan sa kolehiyo ay tila nagresulta sa mas bukas na pananaw ng mas batang Gen Z hinggil sa sex.

Nauna nang iniulat ng National Survey of Family Growth na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga adult na walang karanasang sekswal sa edad 22 hanggang 34 sa US, isang trend na nananatiling paksa ng pag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan at lipunan.