Matapos ang pinag-usapang pag-iyak sa video na naka-upload sa social media, usap-usapan naman ang umano'y pag-unfollow sa isa't isa ng mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa.
Ikinabahala ng mga kaibigan at kapwa celebrity ang naging emosyonal na video ni Mark sa Instagram noong Huwebes, Pebrero 5, 2026, kung saan makikitang umiiyak siya.
Nakalagay sa caption ng post, "Kulong sa Sistema.”
Hindi pa naglalabas ng kaniyang opisyal na pahayag si Mark kung ano talagang puno't dulo ng nabanggit na video, subalit batay sa mga lumalabas na espekulasyon, mukhang may kinalaman daw ito sa ipinapatayo nilang bahay, batay rin sa source na inulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.
Dagdag pa, hindi umano naging maayos ang ilang aspeto ng proyekto, bagama’t hindi ito idinetalye ng source. Batid lamang na ipinagiba ang dating bahay ni Mark sa Quezon City at isinailalim ito sa malawakang renobasyon.
Sinilip naman ng Balita ang Instagram account ng dalawa upang kumpirmahin kung talagang naka-unfollow sila sa isa't isa.
Photo courtesy: Screenshot from Mark Herras/IG
Photo courtesy: Screenshot from Nicole Donesa/IG
Samantala, wala pang inilalabas na kumpirmasyon at pahayag ang kampo ng mag-asawa patungkol dito.
Kaugnay na Balita: ‘Kulong sa sistema!' Mark Herras, umiyak; fellow celebs, nag-alala!