February 07, 2026

Home BALITA National

Kaso ng dengue sa pagpasok ng 2026, naitalang nasa higit 7k

Kaso ng dengue sa pagpasok ng 2026, naitalang nasa higit 7k
Photo courtesy: Unsplash

Nakapagtala ng higit 7,000 kaso ng dengue sa buong bansa ang Department of Health (DOH) simula Enero 4 hanggang 24, 2026.

Ayon sa nasabing tala nitong Sabado, Pebrero 7, bagama’t nasa sumatotal na 7,471 ang bilang ng dengue, mas mababa ito kumpara sa 25, 652 kasong naitala sa kaparehang taon noong 2025. 

Ipinaalala pa rin ni DOH Sec. Ted Herbosa na ang dengue ay isang all-year round na sakit at mas tumataas ito tuwing panahon ng tag-ulan. 

Kaya aniya, patuloy na protektahan ang kalusugan, partikular ang mga hindi pa nagkakaroon ng dengue, na posibleng magdulot ng pagka-ospital at pagbaba ng platelets. 

National

De Lima, 'confident' na sufficient in form at substance impeachment vs VP Sara!

“Ang dengue ay all-year round. Nagkakataon lang tumataas siya kapag tag-ulan. Naaapektuhan d’yan karamihan kabataan, kasi nga kapag hindi ka pa nagka-dengue, puwede ka talagang makagat ng lamok na may dengue,” saad ni Herbosa. 

Kaya paalala ng kalihim sa publiko, maging maagap sa paggawa ng “Taob, Taktak, Tuyo, at Takip” na inisyatibang pinangungunahan ng DOH kontra-dengue, na naglalayong hikayatin ang paglilinis ng mga nakatenggang lalagyan ng tubig na posibleng pangitlugan ng mga lamok. 

Sean Antonio/BALITA