Nagbigay ng reaksiyon ang ina ni BINI member Maloi Ricalde na si Maggie Ricalde sa collaboration ng grupo ng anak niya at ng SexBomb Girls sa rAWnd 2 Get Get Aw concert nito noong Pebrero 6.
Sa isang shared post ni Maggie nitong Sabado, Pebrero 7, makikita ang larawan nina Maloi at SexBomb Girls leader Rochelle Pangilinan habang nagtatanghal sa stage.
With my fave sex bomb dancer fave rochel and daughter bini maloi,kinilig ang mama, lagi kung pinsasayw si maloi noong bata pa sya ng spagetti pababa spagetti pataas,” saad ni Maggie sa caption.
Dagdag pa niya, “[S]a galing nman ni maloi sumayaw nyan , 3 yrs old plang sya , who would have thought na mkkasama nya in the same stage ang sex bomb, mama is so happy ”
Matatandaang nagulantang ang mga nanood ng nasabing concert nang bumulaga ang BINI sa entablado ng SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City sa iconic novelty song ng SexBomb Girls na "Halukay Ube.”
Maki-Balita: Unexpected collab! BINI, bumulaga sa rAWnd 3 concert ng SexBomb Girls!
Bago pa man ito, nauna nang inihayag ng SexBomb na gusto raw nilang makipag-showdown sa BINI.
Sa “Fast Talk” segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Enero, naitanong sa SexBomb Girls member na si Jopay Paguia kung lalaban ba siya o babawi sa pakikipagtagisan sa paghataw kontra BINI.
“Lalaban!” sagot ni Jopay.
Maki-Balita: ‘Bakit hindi?’ Sexbomb papalag sa showdown vs. BINI, SB19