Nawindang sina "Unang Hirit" host Shaira Diaz at co-host na si JR Royol matapos kumasa sa hirit nilang halikan ang isang mag-asawang naitampok nila sa morning talk show na "Unang Hirit" nang magsadya sila sa isang barangay sa Caloocan City.
Ang nabanggit na mag-asawa ay napili nila para pagkalooban ng cash para sa segment na "UH CASH-KILIG."
"Malapit na po ang Valentine's, baka puwede n'yo naman po kaming pakiligin, Tatay!" hirit ni Shaira.
"isang pampakilig naman diyan," hirit naman ng co-host ni Shaira.
Maya-maya ay naghalikan na nga ang dalawa subalit naloka ang lahat dahil laplapan na talaga ang ginawa nila!
Nandidilat ang mga matang pumagitna si Shaira sa kanilang dalawa at inawat ang mag-asawa. Nagkakagulo naman sa hiyawan ang mga nakasaksing kabarangay.
"Nakalimutan kong morning show nga pala 'to!" hirit na lang ni JR.
"Hindi namin kinaya!" natatawang sabi na lang ni Shaira.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"HAHAHAHAHHA SINIBASIB NI TATANG EH"
"Gulantang UH team eh"
"Hanep throat to throat"
"Sabi n'yo kasi kiss eh, pinakitaan kayo hahaha."
"'sinibasib' yan ang tamang term sa ginawa ni lolo."
"Na stress bigla si Shaira"
"Hahahahahaha iba na pala ang Unang Hirit ngayon hahaha."